Tuesday, December 4, 2012

Hunyango

Pumikit,pagnagpalit ,panibagong anyo ang lalapit.
Dumikit,kumapit, dala ang bungkos ng pasakit.
Mapanlinlang na katauhan mula paa hanggang anit.
Sa talim ng titig mo,pati puso'y iyong napupunit.



Natutuwang pagmasadan ang kulay mong paiba-iba
Huwad na kasiyahan ang iyong laging bitbit at dala,
Nakahahalina  ngang talaga,lalo na sa mga TANGA
Hindi lang nila alam,batid mo na ang kahinaan nila.


Sumasabit,Nagpupumilit,ganyan sila kung kumapit.
Igigitgit,Isisingit,mga katangiang mapang akit.
Ipilit mong iwaglit, ang hunyangong nakakapit.
Upang maiwasan ang pagdurusang pwedeng sumapit





















Friday, October 5, 2012

Bahay-Bahayan... (Ito ang aming kwento)



Junver & Khaye

Ako ang ina at ikaw nga ang ama,
Sa bahay-bahayang ako lagi ang bida,
Nakakaaliw balikan ang mga araw na kay saya,
Sa ganito nga nagsimula ang aming istorya.

Magpanggap na magasawa sa bahay na yari sa tela,
Ikaw nga ang aking sandigan,tagapagtanggol at kapareha,
Kasama ang iba pa na gumaganap na anak ng bida,
Nuon pa ma'y masayang tahanan ang pinangarap nating dalawa.

Ngunit sinubok tayo ng malikot na kapalaran,
Ng kinailangan mong lumayo at mangibang bayan,
Pangakong pag-ibig na aking pinakaingatan,
Lumao'y akala ko'y ating na ngang  nakalimutan.

Iba't ibang kwento ng buhay ang ating nasaksihan,
Bawat aral sa nagdaang panahon  ang ating natutunan,
Tumibay sa hirap at pagod na ating pinagdaanan,
Lalong lumago sa ligaya at saya na dulot ng mga naranasan.

Sa paglipas ng kulang-kulang  dalawang dekada,
Hindi mo aakalaing muli pa ngang  magkikita,
Matapos subukin ng mapaglarong tadhana,
Heto at gagawa na nga ng kwentong bago na ang tema.

Naniwalang lahat lamang ay pawang mga biro,
Ng mga inosenteng bata at musmos na puso,
Hindi sukat akalain na maaring magkatotoo,
Na darating ang  araw  na magiging ikaw  at ako.


Ang pag-ibig na hinahanapan ng marangyang kandungan,
Sa piling ng bawat isa lamang namin pala matatagpuan,
Kung ano pa ang susunod sa kwentong inyong nasaksihan,
Maykapal lamang ang nakakaalam,kaya iyo na lamang subaybayan.



























Thursday, September 27, 2012

Poem for Fatih(Mr. Conqueror)



Thank you my friend ,for the time you've spent,
For the laughter and sorrow,for lending me a hand,
For the tears and joy,for the happiness we had,
You've always there for me,you've never turned bad.

Thank you my friend for accepting me,
For who I am,and who will I be,
I will do anything to let you see,
That you've got a friend in me.

Thank you my friend for sharing your points of view,
I learned a lot and got something new,
Our memories will be cherished and never be blue,
That's why I thank God for knowing you... 

Monday, September 10, 2012

Langit sa Impyerno

Ang lumang balabal ang nagsisilbing kanlungan,
Marupok...kaparis ng mga taong hayok sa kamunduhan,
Nagkukubli sa mga salang pilit na tinatakasan,
Gaano nga ba kahirap kalabanan ang tawag ng laman?

Hindi kayang pawiin ng lamig ng hangin,
Ang nagpupuyos at naglalagablab na damdamin,
Animo nahihimlay sa kumukulong buhangin,
Tampalasang mga aninong naglulunoy sa dilim.

Langit sa Imyernong mong matuturingan,
Ang makipagniig sa banig  ni kamatayan,
Sinisiil ng halik ang puso mo't katawan,
Gayong wala naman Pag-Ibig na inaasahan.


Sa piling mo'y langit ang nagiging pakiramdam,
Ngunit maliwanag pa sa umaga na imyerno ang napuntahan,
Mabuti pang wakasan na ang kwentong walang kabuluhan,
Bago pa malubog ng tuluyan sa kumunoy ng kasalanan.












Thursday, August 9, 2012

ASO



Ipinanganak ka ng may lubid sa pusod at wala sa leeg,
Nagdurugtong sa buhay,hininga at sa pag pintig,
Ang tinig  mong nakakabulahaw at nakakatulig,
Wag mong ipagkakamali ang  pagiyak sa alulong ng bibig.


Kandungan,duyan at kuna ang pahingahang inilaan,
Hindi sa  kalye,garahe at lalong hindi sa bakuran,
Masarap na kanin at ulam  ang nakahain sa pinggan,
Anot' tila tira tirang ulam ang iyong pinagtyagaan.


Ang tawag sayo ay tao at may dalang karunungan,
Nararapat lang na umasal ng naayon sa pinagmulan,
Pagkat ang aso'y tawagin mang matalino at damitan,
Ay mananatiling "Asal Hayop" magpakailanman.

Wednesday, July 25, 2012

Insomnia attacks



I never knew I will feel  this way 
Not with a stranger that looks like gay
His sweetest smile that brightens my day
Makes me feel weak and captured me like prey


Sailing from Bay of Bengal to South China Sea
Is the greatest journey for you and me;
With different culture,religion and cup of tea,
Being comfortable with each other is our only key.


Seeing you every time makes me really mad,
Don't worry your kisses are not awful,so don't be sad.
This someone who often tells that he is bad,
Is the same man who always makes me glad.














Tuesday, July 24, 2012

TAG-L _ _ _ _G



Hindi ko alam kung tama ba to ng  nainom ko o tama ng putok ng nakatabi ko sa bus kanina.Dahil wala naman akong computer sa bahay,minabuti kong isulat muna,baka kasi makalimutan ko pag gising ko(at ngayon ipopost ko sya kasi libre net ako dito sa office hehehe)

atat na kasi tong utak ko na magkwento bago man lang daw sya matuyo dahil sa mga alak na iniinom ko..hehehe...Pagbigyan natin...Simulan na!

Himasin ng dahandahan...
Haplus-haplusin mo....
Pigain mong mabuti..
Hanggang sa labasan....
ayaaaannn naaaa....Ahhh.. Ahhh...
Ganyan ang tamang pag lambing sa ulo..para mailabas ng utak mo ang mga detalye ng puso mo..



Letse ka ha! dumi ng utak mo....



Marami akong nakitang naglalabing labing kanina sa bar...este naglalambingan.

...subuan ng fries...
...akbayan dito,akbayan doon...
...holding hands...holding hita...
....kakantahan sa stage...
...Bulong bulungan...
...harut harutan...
...kiss kiss-an...
...kiskisan ng kiskisan...
....Mot mot na naman...hahaha

Ang sakit nila sa pimples..Infairneszzz!!!

Naging bitter ako gawa na rin ng brandy sa aking baso...sabi ko nalang...

"Maghihiway din kayo..."bwaahahahahaha (evil laugh!)

Yan ang iniisip ko hanggang sa magbaba ng pasahero ang bus na sinaksakyan ko...
Natauhan nalang ako ng masilaw ako ng pulang ilaw sa harap ko dahil nasa gawing bintana ako kaya bumalandra sa mukha ko ang malaking "SOGO".

Guadalupe na pala...At dahil sa bitter pa rin  ako...nakarma ako agad...buhakaw si manong driver kahit madaling araw na,ayaw kong matulog kasi baka lumampas ako..sarap pa naman matulog sa aircon pag nakainom..ayyiiiee......

At ang makasalanan kong mga mata ...ayan at nagmasid namang talaga...

Nakita ko si ateng nakasibangot at si kuya may bitbit na supot ng seven eleven..may 1.5 L na absolute distilled water...may siopao at tobleron..(matalinaw)
akala ko nagbebenta...panalo sa sales talk si kuya...mukang kinukumbinseng maigi si ate na nakasibangot pero halatang napapangiti ..kumbaga ba eh pakipot lang..sa madaling salita...
Mahinhin kuno.. MAhihin--***n


tapos may dumarating magkahawak kamay bago pumasok..mukang magkasundong magkasundo...may hawak pang rose si sisterette..batang bata...mga bata pa nga actually...sa palagay ko monthssary...aruguy!...sa mabulaklak na salita at sa rose...
matitinik  na si babe...hala ka ...lagot ka...nakakabiyak na tinik yan gaga!

Iiyak ka din sa isip isip ko...

May masyodang may makapal na gintong kadena sa leeg..maayos naman ang pananamit...kasama  ang girlash na naka pek-pek short...No need to explain--Alam mo na yan...mahirap buhay ngayon dhay!

May masaya naman at tipon g parehong may trabaho...mukahang kabisadong kabisado ng mga paa ang ENTRANCE...sa hinuha ko..suki na ang mga ito...napagtanto ko..may hawak si boylet na red card--(DISCOUNT CARD) syempre...

May  napansin din  akong lalaki..papaunahin si girl sa loob..tapos mag yosi saglit bago pumasok...tapos parang di lang muna magkakilala..naghihintayan lang pala sa loob...hahaha... Mga nakikijowa lang ang mga pota.

At marami pang iba...sa sandaling oras na nakahinto ang bus na sinasakyan ko..ganun din karami ang nasaksihan ko...ang tanong mo..ganun  ba talaga karami ang tao sa mundo??

ah ah ah...ganun na karami ang makakati sa panahon ng tag ulan..buset!

Pero sa isang banda mabuti na rin yan...sobrang init dapat malamigan..kesa sa bahay..baka makasunog pa yan..makadamay pa ng buhay.

Tsk...tsk...tsk...makauwi na sana ng mabilis at ng makapag painit din...


panahon nga naman..nakakadala....Pero ang alam ko ang tawag sa panahon ngayon ay TAG -LAMIG--parang nami-mis understood ng madla...so nagiging TAG-LIBOG na..hahaha..

Peke!


May dala akong  3-in-1 great taste coffee +milo+creamer+mainit na tubig=sarap ng single...hahaha..matipid sa panahon ng tag kati---este TAG LAMIG











Wednesday, July 18, 2012

Ilog Pasig



Humahalik sa lupa ang bibig,nagdurumi at nauuhaw sa tubig,
Nagnanasang ihiyaw ang ibig,ng marali't masakit na tinig;
Lumilikha ng di naaayong pantig ,sumasambulat ang tonong nakakatulig
Lirikong akala mo'y pakabig,ay marapat  na itapon na lamang sa ilog Pasig.


Sa ilog ng pusong maralita,nagtatago ang mabalasik na diwa,
Bukambibig sa kakisigan ng malaong manggagawa,
Anong silbi ng mga kwentong hindi maunawaan ng kapwa,
Patuloy na magsusumiksik ang pagkataong hindi makawala.


Sumasakal at kumikitil sa hininga mo'y lumot,
Duming itinapon at ikinakalat ay nagsisilbing salot,
Sa buhay  mong nagngangalit sa pait at poot,
Hindi maapuhap ang gandang sa iyo'y  bumabalot.











Monday, July 16, 2012

Ang Manlalakbay




Isa raw akong manlalakbay,
Mapalupa ,dagat at himpapawid,
Maging ang sulok na di kayang matawid,
Ay may mga karanasang nais kong mabatid.

Nakapagtapisaw na ako sa alon ng dagat,
Nakipagkilitian sa rin sa pugitang sarat,
Nakarating na rin ako sa kahariang maalat,
At nakipaglaro sa mga sirenang matapat.


Nagpagulong gulong na rin ako sa kabukiran,
Minsan ko na ring pinasok ang mga bulkan,
Tumalon,gumulong humalakhak sa kaparangan,
Magtago at mangulit sa masukal na kagubatan.

Nakipagsayaw na rin ako sa mga planeta,
Nagniningning sa liwanag ng bituin ang aking mga mata,
At sa kanlungan ng buwan ako'y nagpahinga,
kay tagal ko ng naghihintay sa darating na umaga ...

Ako nga ay isang manlalakbay,
Misteryoso ngang tunay,
Sa karanasan ko'y walang nagpupugay,
Pagkat ako raw ay bata ...at wala ng buhay.
070909





Tuesday, July 3, 2012

Happy 49th Bday PAPA!



Happy Happy 49th Birthday!

Isinilang ang lalaking nakatakda,
Upang pasanin ang bigat ng madla,
Hindi pa man siya nakakapagsalita,
Naisulat na ang kanyang tadhana.

Nakipag-isang dibdib sa dalagang taga-Talisay;
Hindi naman gwapo,hindi rin naman macho pero may pusong dalisay,
Kaya naman itong si Inay ay agad din namang bumigay.
Kaya ang naging bunga, Isang maganda at isang tisay
(wag na umangal ako gumawa nito)

Dinaluhong ng kalbaryo,Dinumog ng mga palalo
Sinibat ng mga salitang animo  ay palaso,
Ngunit kailan ma'y hindi natinag ang aming pambato,
Kaya kahit sa kamatayan siya'y nagiisa naming panalo.

Sinubok man tayo ng tampuhan at disgusto,
Mayabang ka man at magaling manginsulto,
Malakas mag kape at manigarilyo,
Hindi ko ipakakailang ikaw ay Ama ko.

Kakaiba man ang paraan sa iyong pagwawasto,
Nakakalito,Nakakasugat at Nakakapanghina man ito,
Nagpapasalamat ako at ako'y hinubog mo sa ganito.
Kaya ngayon ako'y matatag na ring kagaya mo.

Wala ka mang handa sa araw na ito,
Sa salapi man ay salat ang buong buhay mo,
Asawa mo'y matapat ,mga Anghel mong matatalino (lahat yan maganda)
Sa palagay ko wala ka na rin namang mahihiling pa sa ganito.

Sa ika-apatnapu't siyam na kaarawan mo,
Ipinagdiriwang din ng langit ang araw na ito,
Wag kang lilimot sa Ama  na nagdala sayo sa lupaing ito,

Dahilan upang maging makabuluhan ang maraming buhay dito sa mundo.


We love you PAPA (Eliseo R. Sacdal)!!!

Thursday, June 21, 2012

GAME OVER

When I first saw you wearing that smile,
My world stops revolving just for a while;
Make my heart freezing that I almost die,
I knew then I love you and that wasn't a lie.

I offer to you my heart and soul,
I'm very very much willing to give you my all,
I'll stand beside you,so,you can stand tall,
Where you can lean on even like a wall.

My days are all complete when I'am with you,
You always make me feel brand new,
That's why I wanna grow old with you,
But you never let things happen nor to make It come true.

One day I found out,that you can no longer stay,
Here in my arms,you want to run away,
But It really hurts me deeper,when you told me and say,
"Sorry,you've lost,All I want is to play"

Wednesday, June 13, 2012

Imbento Recados





Kaning lamig ay iyong pakamahalin,
Para sa umagahan ay may panghalinhin,
Mukang wala ng buhay sa iyong paningin,
Eto na ang sikreto at iyong alamin.

Sa  tantyahan dapat ikaw ay may panglaban,
Dahil sa imbento ko, sukatan ay di kailangan,
Kaserola ng tubig,bawang at sibuyas sa kalan,
Pakuluin at ng iyong kanta'y sabayan.

Lusawin mo na rin ang inyong mga pampalasa,
Gaya ng "Magic sarap" kahit"knorr cubes" pa sya,
Bago mo ihalo kanin nyong kagabi pa,
Saka mo tunawin "cream of mushroom" mo sinta...

Bago mo hanguin ay basagan mo muna,
Itlog ng manok ay pandalas mong haluin na,
At ihain mo sa mangkok na may itlog na nilaga,
Kasama ng dinurog na chicharon at tinadtad na "spring onion" pa.


Tandaan lang na ang pagsandok ay samahan ng ngiti,
Upang ang kakain ay ndi mapangiwi,
Lakas ng katawan ang hatid ng kanin kagabi,
Sa kalam na sikmura,"Imbentos Recados" ko ang papawi.




Thursday, May 31, 2012

Mga pampainit sa tag ulan....






Mga pang painit lang ng ulo....
Wala kasing akong magawa...kung ano ano lang nakita ko kaya sinubukan kong gawan ng sense..(meron nga ba?)bahala na nga kayong humusga..hehehe


1.Aso ngang nawawala hinahanap .......


              Ikaw pa kaya?






2.Load nga nag e-expired........
    
             relasyon pa kaya?








3.Teleserye  nga nakakasawa........


           ALibis mo pa kaya?








4.Kung Levi's Jeans nga nagagasgas......
              
            Sorry pa kaya?






5.Yung  sweldo nga nauubos........


            Pasensya pa kaya?








6.Yung may amnesia nga natatauhan.......... 


                  Ako pa kaya?








7. Larawan nga kumukupas .........


               pag-ibig ko pa kaya?








8.Menstruation nga nawawala........


            Tiwala pa kaya?






9.Dollars nga bumababa eh..........


             Panty ko pa kaya?




        este..... pride ko pa kaya?








10.Sugat nga naghihilom..............


          Pu_ _  ko pa kaya?.............






                ."PUSO!"


wholesome tayo dito ha..bata pa ko...





Monday, May 28, 2012

Red Horse beer--ANo nga ba ang tama?



Ang buhay nga naman parang Red Horse...

minsan...matapang
             ...matabang
             ...mapakla
pero kadalasan tama ang timpla.


Ang buhay kasi depende sayo...kagaya ng red horse depende sa manginginom.

ang pakilasa ayon sa manginginom:

Matapang          ---sa hindi pala inom
Mapakla             ---sa bihirang uminom
Masarap            ---sa tamang uminom
at Matabang sa sugapang uminom.


Kaya malalaman mo din kung minsan sa umpukan kung anong uri ng tao ang kaharap mo depende sa kanilang panglasa:

~Matapang       (Lasing Agad)
SIla kasi  yung mga taong  hindi n aman   talaga umiinom,pero makikipaginuman ,sila yungmga taong nagmamagaling pero sa totoo hindi naman pala kaya,kaya ..kayun hindi pa man nabubuksan ang ika 3 bote nya,borlogs na,anag sama nun..bubuhatin pa..tsk tsk.

In real Life...

Ganito ang mga taong mapagmagaling pagdating sa larangan ng buhay,matitikas na akla mo walng problema,ayaw pagkwentuhan ang mga kasawian nila sa buhay,kaya walang dumaramay,kaya ayn..bagsak sa mental hospital,pag medyo minalas malas at walng pera,andun nalang sa kanto,hubo't hubad pa ang loko.

~Mapakla        (Makulit na Lasing)
-mga tamang daldal muna bago hilik sa mesa-

Mga taong kaya tumagal hanggang apat na bot,madaldal...I mean sobrang daldal,madaldal talaga......mangungulet..mga 20 times kada kalahating oras niyang binabanggit na "Hinde nyaaa akow  lashheeengg..."magaling din naman sana sila,kaso nga lang nkakatulig ang mga kwento nilang puro yabang,sarap lang sa buhay at kung ano anong kapurihan sa sarili ang tema ng kanyang istorya, pero hindi magtatagal maghihilik na yan sa mesa kaya napagtityagaan pa ng mga katropa.

Sa totoo...

Ganito ang mgataong minsan lang tamaan ng mala -Titanic at mala-King Kong na pagsubok eh,bumibigay na,kasi ba naman,kasi ba naman masyadong mag imagine
,yabang dito..yabang doon..kaya nang lumagapak,hindi matanggap.Kaya ayun kahit kay San Pedro weakest Link sila,Hindi kasi inantay ang arrival ni King of Death,sila na mismo ang gumawa ng invitation nila sa party ...Si lucio ang tanggero nya ngayon,specialty "Asido on the rock"-ded ka ngayon!


~Matabang       (Maya maya nakahandusay na)

Mga taong di umaayaw sa inuman,sige! hala! tagay!hindi ka mapapahiya pag  ito ang inaya mo,kahit pantalong suot,ibebenta makapag ambag lang ,hindi umaatras kahit sampong kabayo pa ang sabay-sabay na sumipa,minsan nga kahit hindi na sa kanyan ang tagay..inaako na rin nya kaya ayun pati uwak tinatawag nya(gggwaaaarrrkkk!!) eewwwwweee!

In reality...
Eto rin ang lifestyle nila,taong sugapa,lahat gustong makuha,lahat tinatagay,in the end,nawawalan ng mas magandang opportunity,tandaan  sa inuma,hinuhuli ang pinakamasarap mapa pulutan o alak pa yan,tinitira kasi yun sa mga espesyal na panauhin,kaya kadalasan si mokong hindi na umabot sa  finals,hindi kasi makapaghintay,padalos dalos kasi,hindi man lang muna mag muni muni para mag isip...kadalasan,sila ang mga taong sa maling bahay nakakauwi sa sobrang kalasingan...haaay...


~Masarap    (Mr./Ms Swabe)

Tumatagay ,sumasabay,pag medyo nakaramdam ng tama,kakanta,sasaywa,magpapatawa,mag eexhibition,magmamagic,kakain,tatawag sa GF/BF,aakuin ang pagluluto o kadalasan mag boboluntaryong tanggero/tanggera para nga naman hindi halatang minsan eh sumasablay sa tagay.(matalino ang kumag!)


Sa buhay...
Ganyan din sila,kahit anong hirap pa yan kaya lang nila yang kantahan at sayawan,kahit mabillis at mataas pa ang tono,di nila yan aatrasan,mahirap silang patumbahin,kahit kahit nilalait na sa umpukan,mauuna pa yang tumawa,magaan magdala,nalalasing habang nag E-enjoy,pero laging may back up ng katinuan,nagtatabi ng pang uwi,sa kanya ang inuman ay kasiyahan,hindi paraan para magkaiyakan,hindi para paghugutan ng lakas at tapang,hindi pag iwas sa problema kundi pagpapakita ng ngiti sa kabila ng lahat ng hirap sa buhay.


Ikaw ba? Anong lasa ng RED Horse mo?








Tuesday, May 15, 2012

Farewell Pre...




I dreamt of you last week,We saw each other the last time I visited our hometown,I even  talked about you with my housemates last night...Telling our crazy ideas and the things we've shared together,as well as how lucky I am to know and to have a bestfriend who is real gentleman...And No one is expecting to hear such news about you today...

Back in the days...classmates and students used to  teased us as if we are in a relationship.Our closeness and sweetness are often misunderstood.But I'm glad that I have all of these memories of you that makes me smile everytime I remember you.Right at this moment...I know you already know,my deepest darkest secret that I'm so scared to tell you. <3

Thanks for being my responsible leader at all times,for being supportive more than a brother,for being thoughtful and sweet more than a lover,for being playful and naughty as classmate and for being my bestfriend.

And like any other friends,we also have misunderstandings,I still remember the day you burst out from being angry to what I have said ,though I'm happy that we were able to fixed everything the other day,and somehow  reminds me that I have never ever get angry to you...so sweet and kind,generous and understanding,very energetic and optimistic,well organized and efficient...at alam kong hinihintay mo.."cute pa",So what will be the reason to get angry with him..I guess...nothing

just now...

"Nakakainis ka! Payat na ko ng konti ngayon,panu mo pa ko makikita?Sabi mo liligawan mo na ko pag payat ko di ba? lagi mo talaga ko niloloko!
Basta Bestfriend,If may kailangan ka ...magpakita ka sakin ha...I will do my best..PROMISE"

I love you best...as always...

Bye pre...

Bye Benjamin O.Dela Cruz..

Monday, May 14, 2012

I love you Mama!

I intended to post this late,because I want her  to see this first before anybody else...
My Mother's Day present to a very lovely mother!



For  the love and care,for the thoughts you've shared.
For the strenght you  showed,for the problems you dare.
For the never ending support,that you always bare.
Thank you mama for being there.

The glimpse of her  eyes that is always bright,
That shines on me through day and night.
Makes me feel shiver whenever I sight,
I see it through her soul,she never wants to fight.

She got the sweetest voice I ever heard,
That no one in this world could ever had.
So,I never want to get her mad,
For her blood pressure don't get bad.


For my "MAMA" that is so unique,
I'm so blessed that we were able to meet,
For you are to me is God's greatest gift;
I love you for what you are,as I always did.

I love you MAMA!
Happy Mother's Day!

Tuesday, May 8, 2012

For your eyes Only...

Wala sana akong balak na ipakita kung sino ako ,pero naisip ko maraming tao akong nakakasalamuha na ayaw na itsura ko.

Panu naman yung di pa nakakakita sakin,malay ko kung magustuhan naman nila itsura ko di ba?

Hindi ko alam kung masususya ka o matatawa o kung ano pa mang emosyon ang mararamdaman mo pag nakita mo ko ngayon,bahala ka ng humusga sa fez ko...
basta ang alam ko....

 I'm Beautiful in my way ,'coz God makes no mistakes!!! 





Friday, May 4, 2012

gaya-gaya


Salamat sa post ni Leah, kung saan si Bino ay gumaya;
Kaya heto ang bersyon at anak ng ikatlong lahi ng iyong ideya;
Salitang mapanakit ay hindi ko kailan man sinasadya,
Kung tamaan ka ma'y wala na akong magagawa.


Ito ang bersyon ng mga bagay na nais mong sabihin sa isang tao,pero hindi mo masabi ng harapan dahil:

♥nahihiya ka
♥makakasakit ka
♥mas mabuting itago na lang kesa malaman niya

1. Ang pagiging tsismosa ay hindi propesyon,kahit ako pa ang reyna sa kwento mo, wag kang umasa na may sasahurin ka sakin sa katapusan.intiendes!

2.Tao ako at hindi ako napkin...na kapag duguan ka lang saka moko gagamitin.

3.Hindi ko kailangan ng matalino,maporma o  mayaman,ang kailangan ko ay simple,tapat at maaasahan.Hindi sa dami ng salita o sa tagal ng pinagsamahan kundi sa mga bagay na handa nilang ipakita at isakrispisyo para madamayan ka sa kalungkutan,yan ang tunay na kaibigan.

4.Sakin ka nalang.

5.Bakit kasi hindi nalang tayo?

6.Hindi ko kailangan lumaban ng siraan ng pagkatao sayo,dahil dehado ako,anu pang sisirain ko sayo?Eh,matagal ka naman ng sira?

7.Wag kang masyadong ma-feeling--ambisyosa!,hindi tayo close.

8.Magastos,manginginom,lakwatsera,,eh ano naman sayo? hinihingan ba kita ng pera?

9.Ang pera kahit may halaga pa,nabubulok din,parang ikaw...buhay pa ,bulok na.

10.Sa mundo ngayon,hindi sapat na maganda ka lang,kung inaabuso ka na,lumaban ka,wag kang tatanga-tanga.

11.Hindi dahil marami akong nagawang mali,ibig sabihin lahat ng ginagawa mo tama.

12.Kelan ka magbabayad? kasi marami rin akong babayarang utang.

13.Hindi porke't natulungan mo ko,at ang pamilya ko ay nangangahulugan na may karapatan ka ng saktan ako.

14.Kung hindi mo ako gusto,"I don't care,I don't like you either"

15.Ang para sa empleyado ay para sa empleyado,kaya ka nakakarma eh,ayan tuloy nilalayasan ka,puro ka kasi pera ,alagaan mo naman kasi sila,tutal sila naman talaga ang nagaakyat ng pera sa kumpanya.

16.Makati ka pa sa balat at dagta ng papayang hilaw!

17.Gusto kitang damayan,kung alam mo lang...waah..muntik na kitang minahal.


18.Lahat ng ginagawa ko ngayon ay para sayo,kahit pa sabihing mali,ganyan kita kamahal.Kahit madalas nasisigawan kita,hindi ibig sabihin nun hindi na kita mahal,gusto ko lang matuto ka kasi hindi habang panahon nandito ako para sayo.

19.Pa hug and kiss nga...


20.Hindi kayo kabawasan sa mundo ko,kung nung naghihirap nga ako wala kayo pero nakaya ko,ngayon pa kaya?

Thursday, May 3, 2012

My all time favorite






Honey...


I would  love to share the most precious time of my life with you.We may not be a perfect couple,but we can have perfect moments together.Let's fill our home with love and divine guidance.


I want to thank you for making me this HAPPY.,Not until you came,I never knew that there is such kind of joy like this.I will never get tired of waking you up with my little teases and kisses.


I may not be  the best wife you could ever have,but I can be your best friend that  could ever lived.Thank you for sharing your laughter,tears and resentments with me,that only proves you are comfortable with me.


Thank you for sharing your secrets,decisions and let me budget our expenses,that only shows you trust me.


Thank you for being honest,thoughtful and caring,that only means that you love me too.Thank you for understanding and accepting my imperfections.


But most of all,I love to thank God by sending the answer to my prayers right on time,that is the day when I have you near with me and assure to me that you and I will be together for the rest of our lives.Words are not enough to show my love for you,so,let me cut this letter and start to show you what really love means.


                                       Staying in love with you now and always..


                                                                                                                                           

                                                                                                         
Haayy...na ngangarap lang   mga pre...lasing lang po..cenxa naman...
hahaha..Honey,kahit di pa kita kilala...humanda ka...malulunod ka sa pag-ibig ko..choz!

I hope you enjoy reading.

Wednesday, May 2, 2012

A Mother's Day Special...


Ang Pabaon kay Inay...


Nilalang ka ng isang banal,
Ginawang susi,Ina mong mapagmahal;
Inalagaan ka't nagpakasakit,matapos kang iluwal,
Pero dumating ang puntong, daig mo pa ang isang hangal.

Ina mo'y naghihirap,Pikit matang hinaharap,
Ang katotohanang pagkakamali ang sya mong nilalasap,
Di lubos maisip kahit na sa hinagap,
Daan tungong  liwanag ang s'yang di mo mahanap.

Sa kinsasadlakang putik,ngayo'y di na makaahon,
Pagkat di mo na ninanasang ika'y makabangon,
Kaya winikaan ng inang mahinahon,
"Sana'y magising sa bangungot nitong panahon."

Bukas na hinihintay ng ina mo nga'y dumating,
Diyos ama nga'y muli munang kapiling,
Ngunit huli na ng ikaw ay magising,
Pagbabago sana nga'y sa ina mo pa man din,
Ginawa nalang pabaonsa kanyang libing.

Noon nga'y napagtatnto dusang sa kanya ay bumalot,
Pagsisisi sa kawalan ay agad pinapalaot,
Inagam-agam mga sala't sa sarili'y napuot,
Kaligayahang di naibigay,Sa inang mong dusa ang Inabot...


Monday, April 30, 2012

MAKATI sa tag-init

Mata kong mapagmasid,
Isip kong walang patid,
Tunay na may nabatid,
Sa iyo'y ihahatid.

Araw nga ng tag-init,
Lamig ang sinasambit,
"Discount card" na pang -akit,
"SOGO" daw ang malapit.

Kapos sa karunungan,
Katwiran ng iilan,
Lamang naiinitan,
Di na dapat bihisan.

Ang Aking natagpuan,
Mag jowa na baguhan,
Meron pang nagpipilitan,
Suki naman ang iilan.

Tunay na ka-ibigan,
Dulot ng kahirapan,
Saka ang iba naman,
Gigil sa tawag ng laman.

Ito nga ang panahon,
Iba na kesa kahapon,
Tubig na ang tinatapon,
Apoy na ang nilalamon.

Thursday, April 26, 2012

S E X




Liberal na mundo ang aking kinamulatan,
Iba't Ibang katauhan ang akin na ngang nalaman,
Ikaw na ang humusga kung Ito' isang kabulaanan;
Ako nga ay may higit sa isang kasarian.


Musmos na isipan ang naging dahilan,
Kung bakit isang babae ang aking niligawan,
Isang binibining tindera ng lugaw sa bayan;
Patunay na minsa'y naging "Lesbian" ang aking ngalan.


Naging siga maging sa paaralan at tambayan,
Hindi naman nasangkot sa anumang kaguluhan,
Walang inuurungang inuman,pati "beerhouse" pinatulan,
"Lalaking walang lawit",ganyan nila ko kung bansagan.


Infairnez,Infairview,nakakalurkey itong chikahan,
Havey na havey sa mga bayot itong ating chorvahan,
Keber lang sa mga chenelyn,wit naman ako magka andalush jen,
Ef na Ef naman ng radar kong nagetching mo naman.


Nang isang umagang aking nakagisnan,
Basa ang unan ng dalagang luhaan,
Durog ang pusong binasag ng kabiguan,
Lintik na tanggera,lalaki pala ang kahinaan.


Meaning:
wit-hindi
Havey-okay
Keber-walang pakialam
Ef-Feel
Sex-Kasarian

Tuesday, April 24, 2012

"EDSA via AYALA"



Habang binabagtas ko ang kahabaan ng Edsa,isang tanghali ng Abril taong dalawang libo't labing dalawa,natunghayan ko sa bintana ng ordinaryong bus byaheng Ayala,kung gaano  kabalisa ang mundo.Natatanaw ko ang iba't ibang taong may may kanya-kanyang ruta.


•May tumatakbo ng matulin  at alam na alam  kong malapit nang maleyt si kuya,nakikita ko na rin kasi ang sarili ko mamya pag natagalan pa tong bus sa pag pila.
•May dahan-dahan  at bilang na bilang  ang hakbang,Panu ba naman...ang taas ng takong ng loka.
•May banayad at palinga-linga pa,pawisan ang noo at namumutla,biglang lapit sa gwardiya,"susme!" naliligaw na pala.


Napakarami na talagang  tao sa mundo,minsan nga pumipikit  pa ko kasi nakakapagod din tingnan lahat ng nasa paligid ko,buti sana kung lahat masarap tingnan kaso madalas,masakit talaga sa mata.Susubukin kong isa-isahin sila,pero hindi ko kayang makumpleto ha...


 •May maputi,maitim,kayumanggi,moreno't morena,may mamula-mula at namumula talaga(as in..) dahil sa lekat na astringent.
•May matangkad,maliit,pandak,may nagmamataas(3inches),may nagpapaliit(hukot)at maykatam-tamang taas.
•May mapayat,mataba,macho ,chubby at sexy.
•May singkit,kirat,malaki ,mabilog at malabo ang mga mata.
•May kulot,kalbo,mahaba,maikli,may buntot,my kulay,may nkarebond, at ang mga bida"hindi marunong magsuklay".
•May mahirap,mayaman,sosyal,sosyal-sosyalan,mahilig sa mayayaman, at nagpapanggap na mahirap(para iwas holdap).
•May dalaga,binata,may syota o wala,matanda,bata,may asawa,amy nakikiasawa,may inaasawa at gusto nang mag asawa.
•Babae,lalaki,babaeng-lalaki,Lalaking -babae,may babae talaga pero mukhang hindi,at may straight na lalaki nga mas maganda naman sakin.
•May maarte,maldita,palengkera,basagulero't basagulera,tanggero't tanggera,lasenggo't lasengga,adik,tambay, at mga santa santita.
•May nakangiti,nakatawa at masaya;bugnot,malungkot at nakasibangot.
•Maypolice,teacher,preacher,lawyer,engineer,architect,nurse,doctor,kundoktor,driver,vendor,baker,painter,carpenter,laborer at iba pang--err...
•May abusado,mang gagancho,magnanakaw,akyat-bahay,snatcher,holdaper,kidnaper,carnaper,pusher,gambler,murderer at raper..este...rapist pala.


At  napakarami pa, ganyan kasikip ang mundo saan mang panig ng planetang ito,siguradong kalat ang mga ganyang tao,bagamat hindi ko kayang makumpleto,patunay lang ito na kahit gaano pa karami ang tao dito, syento porsyento lahat magkakaiba,maaaring may magkahawig pero malamang walang pareho.


Bigla akong napisip...


"ako nga pala ay "unique',kagaya rin ng iba,wala ng isa pang tanggerang katulad ko,maraming tanggera dyan pero walang pwedeng maging "AKO",pwera nalang pag laganap na ang "cloning"...pero hindi pa rin,clone lang yun eh!
maaaring makahanap ka nga ng mas nakakahigit sakin,pero wala ka nang pwedeng makilala na isa pang katulad ko.
Sa isang makabagbag damdaming pag eesplika...


"Marami kang pwedeng ipalit,pero hindi lahat malupit!"
                                                                 "Yun na!"


At sa haba ng aking pag iisip,buti nalang at humiyaw na ang kundoktor...


"LAHAT NG BABABA NG PASEO,RCBC...DITO NA..BILIS! BLIS LANG ANG KILOS!"


bababa na pala ko,Ayala na to...buti nalang may pasok ngayon para ma-i-post ko to sa blog ni makatang lasenggera,dito sa opisinang malamig na,libreng internet at tubig pa.


"Yahoo!"

My sweetheart ...

The night is empty,
When you're not with me;
Sneaking out is not easy,
From this inevitable room of misery.

My heart was caught ,by your deadly melody;
That lingers over this comfort of agony,
Torture is to walk at this beautiful balcony,
Reminds me of you and  our sweetest memory.

Now that you're gone away...
And there's no love for you to lay,
I'm willing to wait for you,All through out the day;
Just to whisper in your ears,the words I'm longing to say

That here inside my heart,
Forever you will stay.



JDM2002








Heypi BEERday!


Isinilang ako sa matapang na buwan ni Agosto,
Sinasakop kasama ang araw at signos ng Virgo,
Mabait,mapangunawa,mapanuri at agresibo,
Matapat,mapagbigay,mapuna at talentado.

Isang libo't siyam na raan at walongpu't walo,
Aking edad at kaarawan ngayon'y tukuyin mo,
Kung nais mong sa pagdiriwang ay makadalo;
H'wag kang mag aasam ng engradeng salo-salo.

Karaniwang handa ay pawang mga regalo,
Alak at pulutan,ang akin lamang ay baso,
Kung sinuswerte ka at nataon namang sweldo;
Magagalak ang mga dayong hindi naman lasenggo.

Hindi ko kailangan ng bisitang may trabaho,
Sapat na sakin ang taong tapat at totoo,
Hwag kang magalala kung ikaw ay sintunado;
Siguradong sa tagay ko,makukuha mo rin ang tono.

Monday, April 23, 2012

Ambisyon...

Ako nga ay guro sa aking propesyon,
Nagtapos nang may karangalan sa kursong hindi ko intensyon,
Masisisi mo ba ako sa aking  naging desisyon?
Kung pinagpalit ko ang aking nais para sa isang obligasyon.


Isang araw bago sumapit ang aking "graduation",
Sumubok humanap ng una kong "occupation",
Biyernes ng Abril nakapagtapos "with recognition",
Kina-lunesan ko'y kontratang pirmado,na may "job description".


Hindi ko pa man maasikaso ang "Licensure  Examination",
Dahil na rin sa oras,pera at napiling sitwasyon,
Punahin at laitin,ano man ang inyong opinion,
Magsilbi sa aking pamilya ang tangi kong ambisyon...

Sunday, April 22, 2012

Pinagmulan...

Kung ninanais mong ako'y lubusang makilala,
Subaybayan ang kategoryang may pamagat na "Tanggera",
Sadyang nilikha para inyong makita,
Kung sino ba talaga si Makatang Lasenggera.
__________________________________________________


Batang lumaki sa piling ng lolo't lola,
Nagsilbing manika sa mga tito at tita,
Habang nagtatrabaho sa malayo ang  ina,
At amang madalas na punong abala.


Walang kalaro na dinatnan sa probinsya,
Ang señoritang kasama lamang ay yaya,
Lumaki sa piling ng mga matatandang sinauna,
Kaya bihasa sa pag tayo ng mag-isa.


Naging madamot man sa akin ang tadhana,
Nang ipagkait ang mundong para sa mga bata,
Lubos na biyaya naman ang aking tinamasa,
Sa mga magulang na mapag mahal at mapang unawa.


Walong taon din akong nag isa,
Hanggang dumating ang magandang umaga,
Isinilang na nga ang ikalawang prinsesa,
Sa palasyong sawali ng aking ama't ina.


Kagaya rin ng ibang pamilya,
Sinubok din kami ng iba't ibang problema,
Tinakasan man ng buhay na masagana,
Nanatili kaming masaya at sama-sama.


Tagpi-tagpi man ang kisame sa sala,
At ang hapag ay bihirang managana,
Hindi nakakapagtakang kainggitan kami ng iba;
Ang pamilya kong salat man sa rangya at pera..

                     Parati namang malusog at maligaya.

"Muli"

Isang gabi sa piling ng buwan at mga bituin,
Tinatahak ang mga alaalang hindi ko na kayang limutin,
Habang nararamdaman ko ang simoy ng malamig na hangin;
Naglandas na ang mga luhang hindi ko magawang pigilin.




Sa langit na tinakasan ng maningning na umaga,
Maging anino ko'y nababalot na rin ng dusa,
Kayakap ko ang ilang bote ng serbesa,
Tinutungga ang pait ng muling pagkikita.




Hindi maipaliwanag ang hapding aking nadarama,
Nang di sinasadyang magtama muli ang ating mga mata,
Isang pagkakamali,ang akalaing nalimot na kita,
Patunay na hindi pa naghihilom ang puso ng...
              Makatang Lasenggera

Friday, April 20, 2012

Talentadong Tanggera


Ang sabi ng ilan,talentado raw ako,
Sagot ko lagi,"Hindi naman po masyado"
Walang dahilan ,para lumaki ang ulo,
Sa biyayang-langit na tinatamasa ko.


Sumayaw,kumanta,magluto't maglaba,
Sumulat,Gumuhit,mamalengke't magtinda,
Tumula,rumampa,magwalis at magplantsa,
Mangaral,magturo,magtahi at iba pa.


Yan ba ang talentong sinasabi nila?
Pero bakit kaya ako pari'y nagtataka,
Lahat naman ng ya'y pangkaraniwan na di ba?
Ikaw lang kasi...meron na,tinatago mo pa.


May nagsasabing ako raw ay matalino,
Nakatapos ng kolehiyo kahit na minsa'y tanggero,
Sagot ko naman,"binobola mo pa ko!"
"Halika na rito,tatagay na tayo!"

Tibok ng Unang Sulyap



May nais lamang akong inyong malaman,
Mula Norte pa-Timog ay ipagsisigawan;
Itong nadaramang,hindi ko malaman,
Baka sakaling ako'y inyong matulungan.

Di ko maapuhap ang kapanatagan,
Sa ilang gabing laman ka ng isipan,
Mula ng araw na ika'y matitigan;
Puyatin ako'y isa ng kalabisan.


Sa balintataw mata nya'y naaninagan,
Mga labi nyang nais ko sanang mahagkan,
Huling-huli nya ang aking kahinaan;
"Langyang puso to!",biglang yatang tinamaan.


Sana'y muling magkrus  ang ating daanan,
Sa tamang panahon ng pagmamamhalan;
Ibigin lang ako ng buong katapatan,
Pangakong hinding-hindi kita iiwanan.

sinetch itey??


Bakit madilim?nakabayad naman ako ng bill sa kuryente...saka umaga ngayon..bakit pagtingin ko sa bintana..madilim pa din..."Maaaaaa!!! Paaaaaaa!!! Sisssssss!!!!Where are you guys???"Shit! Am I alone?Bakit naman kung kelan madilim saka nila ko iniwan...naalala ko..ok lang may pagkain pa sa ref...I have biscuitsin my drawer..lots of water...no worries for hunger...Sanay naman akong naiiwan sa bahay...iba lang ngayon kasi madilim...takot pa naman ako sa moo--moo--umupo--humiga,,,dumapa at tumuwad...biling baliktad--hindi na ko makatulog...I hate being alone..."haaaiiisssttt! namaaaaan kasi...."Inipon ko na lahat ng nalalabing tapang sa katawan ko...I decided to go downstairs...hahanap ng kandila man lang...then I saw somebody at the kitchen..."Sino ka?""Bakit ka nandito?"Lumingon sya sakin..ilang segundo rin ang tinagal nunnabanaagan kong lalaki yun,pero hindi sya kumibo.Binalik ang atensyon sa ginagawa nya...natakot ako..hindi pamilyar na pakiramdam...alam kong delikado ako...pero bakit gusto ko pa rin syang lapitan...?


Nakita ko sa kilos nyang malungot sya..di sigurado sa gingawa...marahil dahil hindi sya pamilyar sa bahay.."Pero bakit ba sya nandito?anong ginagawa ng taong ito dito?At bakit ako iniwan nila mama sa kanya?"


Lumakad sya palapit sakin...kumabog ang puso ko...sa takot..baka saktan nya ko...pero bkit gusto kong makita ang mukha nya...parang natutuwa ako na papalapit sya...pumunta sya sa sala...nun ko lang napansin na may mga tao pala...uso na pala ngayon ang "SILENCE sa PARTY?"kala ko sa library lang yun nakikita...lumapit ako...muka naman silang hind multo...sabay sabay silang tumingin sakin...saglit..at binawi rin namutla ako...pero wala isa man ang nagsalita..iisalang ang galaw nila..pwera sa lalaki na nakita ko kanina..nakatingin pa din sya sakin...may kumilos na isa...gusto nya kong sumali..kahit nakapantulog lang ako...pero wala ng upuan ..isa nalang...sa tabi nun lalaki kanina...


Nakakalma ako sa tingin nya...para kasing sya nalang ang pag asa ko para maintindihan ko lahat ang nangyayari...lumapit ako..hinawakan nya ang kamay ko..inalalayan para umupo...pero may dumating...at agad na umupo sa tabi nya...wala ng bakanteng silya...


umpisa na ng pagdiriwang...Binitawan na rin nya ko...


Isang napakaliwanag na Ilaw-----


"anak tanghali na...papasok ka pa!!"


Panaginip lang pala....kala ko totoo na...iiyak na sana ako ehh...bakit kaya ganun ang nanyari sa panaginip ko..nakakainis..nakaka BITIN naman....bakit kasi binitiwan nya ko? ano kayang nangyari...?pumikit ako at sinubukang makatulog ulit..pero ayaw naman...haaayy...


Naisip ko tuloy,sana hindi nalang ako lumabas ng kwarto,hindi na sana sumama ang loob ko,kasi naman hinawakan n ya pa ko,ganung bibitawan din naman pala nya ko agad,pero naisip ko din,kung hindi ako lumabas,eh di hindi ko sana sya nakita,at hindi ko rin nadama ang kakatwang damdamin ko para sa kanya.


Maging sa panaginip o sa tunay na mundo,may mga bagay talaga na dapat mong subukin kahit nakakatakot,at nakakasakit,dahil sa isang banda,pag may pinalampas ka,siguradong may pagsisisihan ka.

Thursday, April 19, 2012

I'll be happy to say goodbye


You deserve someone better than I,
Do you remember who made you cry?
Both of you should soon knot the tie,
And I'll be happy to say goodbye.

You deserve someone better than I,
The one who can easily tell you a lie.
Hold each other while walking down the aisle,
And I'll be happy to say goodbye.

You deserve someone better than I,
Who ignores your feelings while passing by.
Keep all your vows under that bright blue sky,
And I'll be happy to say goodbye.

You deserve someone better than I,
That one who took everything from you and fly.
Give that ring with the love in your eyes,
And I'll be happy to say goodbye.

You deserve someone better than I,
Someone who knows to give you pain until you die.
Show that kiss on the lips with matrimonial lines,
And I'll be happy to say goodbye.








Lagim Sa Damuhan



Ako po ay baguhan sa ganitong larangan,
Bagama't di  bayani ng ating kasaysayan;
Pagdating sa panitikan ako ay lalaban,
Sa kagawaran,ito po ay inyong pakinggan.

Pasintabi lamang po sa mga kabataan,
Dala ko ay kwentong sadyang may kaselanan;
Larawan ito ng musmos sa kamunduhan,
Na di mo makikita sa silid-aklatan.

Isang dapit hapon doon sa may damuhan,
Nakita ko si Loi,kasama pa nga si Ran,
Pangiti-ngiti sa ginawang kasalanan,
Mga kulisap ang saksing walang nalalaman.

Maligno ma'y kaya nilang ipinagtabuyan,
Wari mo'y galunggong sa lansa't kabahuan,
Saranggola ngang hawak na di mabitiwan,
Kasamang nagparaos sa langit-langitan.

Hinuha mo ba'y  kalaswaan ang usapan?
Teka-teka lang...mali ka d'yan kaibigan,
Ito ay kwentong hango sa batang karanasan,
Nang magkaibigang nasiraan lang ng  t'yan.


Lahok para sa "Bagsik ng Panitikan" contest ng Damuhan














Wednesday, April 18, 2012

Barkadahang Diborsyo



"Lhayz"-The singer
Ginamit ang mga titik upang lumikha ng obra,
Alinsabay ng ritmong may baligtad na nota;
Di ko nalamang iba ang orihinal na piyesa,
Naniwala naman agad,sa bulaan mong kanta.

"Doubty"-The writer
Bumubukal sa  imahinasyong di matawaran ang bangis,
Mga lintanya't diyalogo'y nagagawa mo ng mabilis;
Matitinag ang mga manunulat,pati na si Helen Meriz,
Sa libro ng iyong haka-hakang sadyang walang kaparis.

"Spo4-Seloses"-The police
Pulis matulis ang bansag nila sa iyo,
Sa imbestigasyon,taob mo nga pati "SOCO",
"Surveillance cam" at posas ang laman ng kwarto ko,
Di ba't ako'y kasintahan at hindi naman preso?

"Captain Vanity"-The pilot
Sasakyan mong ang paradahan ay sa NAIA,
Manibelang hawak nga'y sa langit lagi ang punta,
Byaheng mong matayog,parang "pride " lang kumbaga,
Kaya't hanggang ngayo'y nandito ako at nandiyan ka.



Tuesday, April 17, 2012

Simpleng araw






Natapos na naman ang araw ng lasenggera,
Nagbabad sa teleponong tsekwa ang kasama.
Umihi't huminga ang tanging kong makakaya,
Naghihintay ng uwian kasama ang mga tropa.


Pagod man sa maghapon ay pilit kong kinakaya,
Hindi bale sa sahod ,ako nama'y may pera,
Listahan ng utang na abot hanggang Edsa,
"Wag kang mag alala,mababayaran din kita"







Pagpatak ng alas onse,kami ay uuwi na,
Hinihintay na rin kasi ako ng bakla kong kasama,
Higaan kong naghihintay,tulog ang paanyaya,
Sana bukas ay maganda naman ang umaga...

Bagong Binhi



Sa panahong  hindi na library ang uso,
Isang pindot mo lang sa google at "Presto!",
Masasabi mo pa ngang mataas ang grado,
Tanungin mo't walang alam,"copy-paste" kasi ang bago.



Tumbang preso at  piko ay para nalang kina lolo,
"DOTA" at "Farmville" na kasi ang inabot nila tito;
"Hunger games"  at "Tetris" naman para sa bunsong mga apo,
Ganyan na ba talaga ang mga bagong Pilipino?


Dinaig pa ang showbiz ng kontrobersiyal sa senado,
Kumpleto rekados sa artistang ibinoto,
Pag walang nagawa,pilit ibababa sa pwesto,
Ulyanin ba't di maalalang ikaw din ang nagbigay ng trono?

Bilyong taon na ang nakakalipas,
Ngunit ngayon lang tila naging taliwas,
Nang pati simbahan ay nakipagkalas,
Para sa usaping sekswal kontra-batas.

Nakakaawa pala ang mga  anak ng aking magiging mga apo,
Hindi nakakapagtaka kung tatanda nalang silang mga bobo,
Sa panahong nais lang ng tao ay ang  makiuso,
May magbubunga pa kaya ng matino o dadagdag lang sa perwisyo?