Thursday, April 26, 2012

S E X




Liberal na mundo ang aking kinamulatan,
Iba't Ibang katauhan ang akin na ngang nalaman,
Ikaw na ang humusga kung Ito' isang kabulaanan;
Ako nga ay may higit sa isang kasarian.


Musmos na isipan ang naging dahilan,
Kung bakit isang babae ang aking niligawan,
Isang binibining tindera ng lugaw sa bayan;
Patunay na minsa'y naging "Lesbian" ang aking ngalan.


Naging siga maging sa paaralan at tambayan,
Hindi naman nasangkot sa anumang kaguluhan,
Walang inuurungang inuman,pati "beerhouse" pinatulan,
"Lalaking walang lawit",ganyan nila ko kung bansagan.


Infairnez,Infairview,nakakalurkey itong chikahan,
Havey na havey sa mga bayot itong ating chorvahan,
Keber lang sa mga chenelyn,wit naman ako magka andalush jen,
Ef na Ef naman ng radar kong nagetching mo naman.


Nang isang umagang aking nakagisnan,
Basa ang unan ng dalagang luhaan,
Durog ang pusong binasag ng kabiguan,
Lintik na tanggera,lalaki pala ang kahinaan.


Meaning:
wit-hindi
Havey-okay
Keber-walang pakialam
Ef-Feel
Sex-Kasarian

6 comments:

  1. havey na havey...ang litanya ng apo ni don Tiburcio..

    identity crisis?
    peace

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha...yep!pero nuon po yun...hahaha..babae po ako...hehehe.choz!

      Delete
  2. madami na akong nakasalamuhang ganyan...
    kala mo pihikan sa lalake kaya ayaw muna magkaboypren ayun pala babae rin ang hanap...meron naman maskulado pa saken becky naman pala ang loka...hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe...tomo!..pero babae po talaga ako (hehe...nae-explain..hehe)

      Delete