Anong Trip Mo?
Thursday, April 19, 2012
Lagim Sa Damuhan
Ako po ay baguhan sa ganitong larangan,
Bagama't di bayani ng ating kasaysayan;
Pagdating sa panitikan ako ay lalaban,
Sa kagawaran,ito po ay inyong pakinggan.
Pasintabi lamang po sa mga kabataan,
Dala ko ay kwentong sadyang may kaselanan;
Larawan ito ng musmos sa kamunduhan,
Na di mo makikita sa silid-aklatan.
Isang dapit hapon doon sa may damuhan,
Nakita ko si Loi,kasama pa nga si Ran,
Pangiti-ngiti sa ginawang kasalanan,
Mga kulisap ang saksing walang nalalaman.
Maligno ma'y kaya nilang ipinagtabuyan,
Wari mo'y galunggong sa lansa't kabahuan,
Saranggola ngang hawak na di mabitiwan,
Kasamang nagparaos sa langit-langitan.
Hinuha mo ba'y kalaswaan ang usapan?
Teka-teka lang...mali ka d'yan kaibigan,
Ito ay kwentong hango sa batang karanasan,
Nang magkaibigang nasiraan lang ng t'yan.
Lahok para sa "Bagsik ng Panitikan" contest ng Damuhan
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
nice one...
ReplyDeletesana mapili at ma post,
gudlak
salamat sa paglahok sa Bagsik ng Panitik 2012 :)
ReplyDeletenice one.. goodluck po...
ReplyDeletethanks po. Goodluck satin..
DeletePagdating sa panitikan ako (tayo) ay lalaban =)
ReplyDeletegood luck po =)
Maganda ang mensaheng nais ipahiwatig.
ReplyDeletehahah! taragis! kala ko kung ano na
ReplyDeleteNagbasa. Humusga. Naaliw at natawa. Good luck sa entry.
ReplyDelete