Monday, April 23, 2012

Ambisyon...

Ako nga ay guro sa aking propesyon,
Nagtapos nang may karangalan sa kursong hindi ko intensyon,
Masisisi mo ba ako sa aking  naging desisyon?
Kung pinagpalit ko ang aking nais para sa isang obligasyon.


Isang araw bago sumapit ang aking "graduation",
Sumubok humanap ng una kong "occupation",
Biyernes ng Abril nakapagtapos "with recognition",
Kina-lunesan ko'y kontratang pirmado,na may "job description".


Hindi ko pa man maasikaso ang "Licensure  Examination",
Dahil na rin sa oras,pera at napiling sitwasyon,
Punahin at laitin,ano man ang inyong opinion,
Magsilbi sa aking pamilya ang tangi kong ambisyon...

4 comments:

  1. sayang kung hindi tinanggap yung entry mo sa damuhan...dahil sa rule

    meron..ding nag post ng entry doon ang naging problema..hindi pa siya nakaka limang post, pero nag ginawa nya ni repost yung mga dati nyang blog ayon, na sali na siya<

    sali kana...please hehehe may pls pa (sayang kasi, yung abilidad mo)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe..salamat po kuya...send ko nalang ulit ung entry ko gamit yung luma kong blog...

      Delete
  2. Lupit nitong tula mong 'to, habang binabasa ko, napa-shit ako kesa ito iyong takbo ng isip ko ngayon! hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehe... kampi pala tayo eh...thanks po..

      Delete