Wednesday, July 18, 2012

Ilog Pasig



Humahalik sa lupa ang bibig,nagdurumi at nauuhaw sa tubig,
Nagnanasang ihiyaw ang ibig,ng marali't masakit na tinig;
Lumilikha ng di naaayong pantig ,sumasambulat ang tonong nakakatulig
Lirikong akala mo'y pakabig,ay marapat  na itapon na lamang sa ilog Pasig.


Sa ilog ng pusong maralita,nagtatago ang mabalasik na diwa,
Bukambibig sa kakisigan ng malaong manggagawa,
Anong silbi ng mga kwentong hindi maunawaan ng kapwa,
Patuloy na magsusumiksik ang pagkataong hindi makawala.


Sumasakal at kumikitil sa hininga mo'y lumot,
Duming itinapon at ikinakalat ay nagsisilbing salot,
Sa buhay  mong nagngangalit sa pait at poot,
Hindi maapuhap ang gandang sa iyo'y  bumabalot.











4 comments:

  1. Natutuwa akong makabasa ng ganitong tula. Salamat sa pagkakaligaw ng malikot kong maws sa lugar na ito ng web.

    ReplyDelete
  2. lalim naman ng mga salita
    parang Ilog Pasig na hindi maarok

    sa pasig maraming pwedeng gamintan discount card.. hehehe

    keep posting

    ReplyDelete