Kung ninanais mong ako'y lubusang makilala,
Subaybayan ang kategoryang may pamagat na "Tanggera",
Sadyang nilikha para inyong makita,
Kung sino ba talaga si Makatang Lasenggera.
__________________________________________________
Batang lumaki sa piling ng lolo't lola,
Nagsilbing manika sa mga tito at tita,
Habang nagtatrabaho sa malayo ang ina,
At amang madalas na punong abala.
Walang kalaro na dinatnan sa probinsya,
Ang seƱoritang kasama lamang ay yaya,
Lumaki sa piling ng mga matatandang sinauna,
Kaya bihasa sa pag tayo ng mag-isa.
Naging madamot man sa akin ang tadhana,
Nang ipagkait ang mundong para sa mga bata,
Lubos na biyaya naman ang aking tinamasa,
Sa mga magulang na mapag mahal at mapang unawa.
Walong taon din akong nag isa,
Hanggang dumating ang magandang umaga,
Isinilang na nga ang ikalawang prinsesa,
Sa palasyong sawali ng aking ama't ina.
Kagaya rin ng ibang pamilya,
Sinubok din kami ng iba't ibang problema,
Tinakasan man ng buhay na masagana,
Nanatili kaming masaya at sama-sama.
Tagpi-tagpi man ang kisame sa sala,
At ang hapag ay bihirang managana,
Hindi nakakapagtakang kainggitan kami ng iba;
Ang pamilya kong salat man sa rangya at pera..
Parati namang malusog at maligaya.
Thank you for joining BNP! Your blog has been posted!
ReplyDeleteFor site news & updates, check facebook.com/blogsngpinoy
thanks po. Kudos for BNP!
ReplyDelete