Monday, September 10, 2012

Langit sa Impyerno

Ang lumang balabal ang nagsisilbing kanlungan,
Marupok...kaparis ng mga taong hayok sa kamunduhan,
Nagkukubli sa mga salang pilit na tinatakasan,
Gaano nga ba kahirap kalabanan ang tawag ng laman?

Hindi kayang pawiin ng lamig ng hangin,
Ang nagpupuyos at naglalagablab na damdamin,
Animo nahihimlay sa kumukulong buhangin,
Tampalasang mga aninong naglulunoy sa dilim.

Langit sa Imyernong mong matuturingan,
Ang makipagniig sa banig  ni kamatayan,
Sinisiil ng halik ang puso mo't katawan,
Gayong wala naman Pag-Ibig na inaasahan.


Sa piling mo'y langit ang nagiging pakiramdam,
Ngunit maliwanag pa sa umaga na imyerno ang napuntahan,
Mabuti pang wakasan na ang kwentong walang kabuluhan,
Bago pa malubog ng tuluyan sa kumunoy ng kasalanan.












No comments:

Post a Comment