Ang sabi ng ilan,talentado raw ako,
Sagot ko lagi,"Hindi naman po masyado"
Walang dahilan ,para lumaki ang ulo,
Sa biyayang-langit na tinatamasa ko.
Sumayaw,kumanta,magluto't maglaba,
Sumulat,Gumuhit,mamalengke't magtinda,
Tumula,rumampa,magwalis at magplantsa,
Mangaral,magturo,magtahi at iba pa.
Yan ba ang talentong sinasabi nila?
Pero bakit kaya ako pari'y nagtataka,
Lahat naman ng ya'y pangkaraniwan na di ba?
Ikaw lang kasi...meron na,tinatago mo pa.
May nagsasabing ako raw ay matalino,
Nakatapos ng kolehiyo kahit na minsa'y tanggero,
Sagot ko naman,"binobola mo pa ko!"
"Halika na rito,tatagay na tayo!"
talented nga...hahaha kampai!
ReplyDeletehehehe..salamat po...nomo na pre...
Deleteang talentong masasabi ay ung bihasa ka na sa paggamit ng iyong kaalaman ukol dito.
ReplyDeleteat sige tagay na tayo :)
salamat nga po pala sa pagdalaw..
magandang araw po :)
Hehe..tama po!tnx din po..sa uulitin...
Deleteshot na...
ReplyDeletemapansinin ka sa iyong paligid kung kaya nabubuo mo ang mga tulang lantad ang kahulugan,malinis,at madaling maunawaan....Mahusay!
ReplyDeletesalamat po...
Delete