Friday, April 20, 2012

Tibok ng Unang Sulyap



May nais lamang akong inyong malaman,
Mula Norte pa-Timog ay ipagsisigawan;
Itong nadaramang,hindi ko malaman,
Baka sakaling ako'y inyong matulungan.

Di ko maapuhap ang kapanatagan,
Sa ilang gabing laman ka ng isipan,
Mula ng araw na ika'y matitigan;
Puyatin ako'y isa ng kalabisan.


Sa balintataw mata nya'y naaninagan,
Mga labi nyang nais ko sanang mahagkan,
Huling-huli nya ang aking kahinaan;
"Langyang puso to!",biglang yatang tinamaan.


Sana'y muling magkrus  ang ating daanan,
Sa tamang panahon ng pagmamamhalan;
Ibigin lang ako ng buong katapatan,
Pangakong hinding-hindi kita iiwanan.

No comments:

Post a Comment