Anong Trip Mo?
Tuesday, July 24, 2012
TAG-L _ _ _ _G
Hindi ko alam kung tama ba to ng nainom ko o tama ng putok ng nakatabi ko sa bus kanina.Dahil wala naman akong computer sa bahay,minabuti kong isulat muna,baka kasi makalimutan ko pag gising ko(at ngayon ipopost ko sya kasi libre net ako dito sa office hehehe)
atat na kasi tong utak ko na magkwento bago man lang daw sya matuyo dahil sa mga alak na iniinom ko..hehehe...Pagbigyan natin...Simulan na!
Himasin ng dahandahan...
Haplus-haplusin mo....
Pigain mong mabuti..
Hanggang sa labasan....
ayaaaannn naaaa....Ahhh.. Ahhh...
Ganyan ang tamang pag lambing sa ulo..para mailabas ng utak mo ang mga detalye ng puso mo..
Letse ka ha! dumi ng utak mo....
Marami akong nakitang naglalabing labing kanina sa bar...este naglalambingan.
...subuan ng fries...
...akbayan dito,akbayan doon...
...holding hands...holding hita...
....kakantahan sa stage...
...Bulong bulungan...
...harut harutan...
...kiss kiss-an...
...kiskisan ng kiskisan...
....Mot mot na naman...hahaha
Ang sakit nila sa pimples..Infairneszzz!!!
Naging bitter ako gawa na rin ng brandy sa aking baso...sabi ko nalang...
"Maghihiway din kayo..."bwaahahahahaha (evil laugh!)
Yan ang iniisip ko hanggang sa magbaba ng pasahero ang bus na sinaksakyan ko...
Natauhan nalang ako ng masilaw ako ng pulang ilaw sa harap ko dahil nasa gawing bintana ako kaya bumalandra sa mukha ko ang malaking "SOGO".
Guadalupe na pala...At dahil sa bitter pa rin ako...nakarma ako agad...buhakaw si manong driver kahit madaling araw na,ayaw kong matulog kasi baka lumampas ako..sarap pa naman matulog sa aircon pag nakainom..ayyiiiee......
At ang makasalanan kong mga mata ...ayan at nagmasid namang talaga...
Nakita ko si ateng nakasibangot at si kuya may bitbit na supot ng seven eleven..may 1.5 L na absolute distilled water...may siopao at tobleron..(matalinaw)
akala ko nagbebenta...panalo sa sales talk si kuya...mukang kinukumbinseng maigi si ate na nakasibangot pero halatang napapangiti ..kumbaga ba eh pakipot lang..sa madaling salita...
Mahinhin kuno.. MAhihin--***n
tapos may dumarating magkahawak kamay bago pumasok..mukang magkasundong magkasundo...may hawak pang rose si sisterette..batang bata...mga bata pa nga actually...sa palagay ko monthssary...aruguy!...sa mabulaklak na salita at sa rose...
matitinik na si babe...hala ka ...lagot ka...nakakabiyak na tinik yan gaga!
Iiyak ka din sa isip isip ko...
May masyodang may makapal na gintong kadena sa leeg..maayos naman ang pananamit...kasama ang girlash na naka pek-pek short...No need to explain--Alam mo na yan...mahirap buhay ngayon dhay!
May masaya naman at tipon g parehong may trabaho...mukahang kabisadong kabisado ng mga paa ang ENTRANCE...sa hinuha ko..suki na ang mga ito...napagtanto ko..may hawak si boylet na red card--(DISCOUNT CARD) syempre...
May napansin din akong lalaki..papaunahin si girl sa loob..tapos mag yosi saglit bago pumasok...tapos parang di lang muna magkakilala..naghihintayan lang pala sa loob...hahaha... Mga nakikijowa lang ang mga pota.
At marami pang iba...sa sandaling oras na nakahinto ang bus na sinasakyan ko..ganun din karami ang nasaksihan ko...ang tanong mo..ganun ba talaga karami ang tao sa mundo??
ah ah ah...ganun na karami ang makakati sa panahon ng tag ulan..buset!
Pero sa isang banda mabuti na rin yan...sobrang init dapat malamigan..kesa sa bahay..baka makasunog pa yan..makadamay pa ng buhay.
Tsk...tsk...tsk...makauwi na sana ng mabilis at ng makapag painit din...
panahon nga naman..nakakadala....Pero ang alam ko ang tawag sa panahon ngayon ay TAG -LAMIG--parang nami-mis understood ng madla...so nagiging TAG-LIBOG na..hahaha..
Peke!
May dala akong 3-in-1 great taste coffee +milo+creamer+mainit na tubig=sarap ng single...hahaha..matipid sa panahon ng tag kati---este TAG LAMIG
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
aha...magpapainit pala
ReplyDeletehaha..tagsibol, syadong rude ang terminology,
lab it, tinigasan din ako ng panga at napanganga sa mga nasaksihan mo...
at siyempre discount card ko,
para sa susunod ako na ang makita mo't maikuwento.. (:
hahaha..promise ko sau..pag nagkita tayo..may discount card ka na kuya...hahaha
Delete