Anong Trip Mo?
Monday, May 28, 2012
Red Horse beer--ANo nga ba ang tama?
Ang buhay nga naman parang Red Horse...
minsan...matapang
...matabang
...mapakla
pero kadalasan tama ang timpla.
Ang buhay kasi depende sayo...kagaya ng red horse depende sa manginginom.
ang pakilasa ayon sa manginginom:
Matapang ---sa hindi pala inom
Mapakla ---sa bihirang uminom
Masarap ---sa tamang uminom
at Matabang sa sugapang uminom.
Kaya malalaman mo din kung minsan sa umpukan kung anong uri ng tao ang kaharap mo depende sa kanilang panglasa:
~Matapang (Lasing Agad)
SIla kasi yung mga taong hindi n aman talaga umiinom,pero makikipaginuman ,sila yungmga taong nagmamagaling pero sa totoo hindi naman pala kaya,kaya ..kayun hindi pa man nabubuksan ang ika 3 bote nya,borlogs na,anag sama nun..bubuhatin pa..tsk tsk.
In real Life...
Ganito ang mga taong mapagmagaling pagdating sa larangan ng buhay,matitikas na akla mo walng problema,ayaw pagkwentuhan ang mga kasawian nila sa buhay,kaya walang dumaramay,kaya ayn..bagsak sa mental hospital,pag medyo minalas malas at walng pera,andun nalang sa kanto,hubo't hubad pa ang loko.
~Mapakla (Makulit na Lasing)
-mga tamang daldal muna bago hilik sa mesa-
Mga taong kaya tumagal hanggang apat na bot,madaldal...I mean sobrang daldal,madaldal talaga......mangungulet..mga 20 times kada kalahating oras niyang binabanggit na "Hinde nyaaa akow lashheeengg..."magaling din naman sana sila,kaso nga lang nkakatulig ang mga kwento nilang puro yabang,sarap lang sa buhay at kung ano anong kapurihan sa sarili ang tema ng kanyang istorya, pero hindi magtatagal maghihilik na yan sa mesa kaya napagtityagaan pa ng mga katropa.
Sa totoo...
Ganito ang mgataong minsan lang tamaan ng mala -Titanic at mala-King Kong na pagsubok eh,bumibigay na,kasi ba naman,kasi ba naman masyadong mag imagine
,yabang dito..yabang doon..kaya nang lumagapak,hindi matanggap.Kaya ayun kahit kay San Pedro weakest Link sila,Hindi kasi inantay ang arrival ni King of Death,sila na mismo ang gumawa ng invitation nila sa party ...Si lucio ang tanggero nya ngayon,specialty "Asido on the rock"-ded ka ngayon!
~Matabang (Maya maya nakahandusay na)
Mga taong di umaayaw sa inuman,sige! hala! tagay!hindi ka mapapahiya pag ito ang inaya mo,kahit pantalong suot,ibebenta makapag ambag lang ,hindi umaatras kahit sampong kabayo pa ang sabay-sabay na sumipa,minsan nga kahit hindi na sa kanyan ang tagay..inaako na rin nya kaya ayun pati uwak tinatawag nya(gggwaaaarrrkkk!!) eewwwwweee!
In reality...
Eto rin ang lifestyle nila,taong sugapa,lahat gustong makuha,lahat tinatagay,in the end,nawawalan ng mas magandang opportunity,tandaan sa inuma,hinuhuli ang pinakamasarap mapa pulutan o alak pa yan,tinitira kasi yun sa mga espesyal na panauhin,kaya kadalasan si mokong hindi na umabot sa finals,hindi kasi makapaghintay,padalos dalos kasi,hindi man lang muna mag muni muni para mag isip...kadalasan,sila ang mga taong sa maling bahay nakakauwi sa sobrang kalasingan...haaay...
~Masarap (Mr./Ms Swabe)
Tumatagay ,sumasabay,pag medyo nakaramdam ng tama,kakanta,sasaywa,magpapatawa,mag eexhibition,magmamagic,kakain,tatawag sa GF/BF,aakuin ang pagluluto o kadalasan mag boboluntaryong tanggero/tanggera para nga naman hindi halatang minsan eh sumasablay sa tagay.(matalino ang kumag!)
Sa buhay...
Ganyan din sila,kahit anong hirap pa yan kaya lang nila yang kantahan at sayawan,kahit mabillis at mataas pa ang tono,di nila yan aatrasan,mahirap silang patumbahin,kahit kahit nilalait na sa umpukan,mauuna pa yang tumawa,magaan magdala,nalalasing habang nag E-enjoy,pero laging may back up ng katinuan,nagtatabi ng pang uwi,sa kanya ang inuman ay kasiyahan,hindi paraan para magkaiyakan,hindi para paghugutan ng lakas at tapang,hindi pag iwas sa problema kundi pagpapakita ng ngiti sa kabila ng lahat ng hirap sa buhay.
Ikaw ba? Anong lasa ng RED Horse mo?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
mapakla eh..chos
ReplyDeletepositive article sa Isang product na masama sayo ahehe
ReplyDelete