Monday, April 16, 2012

"Tula kay Mahadera"


Hindi lahat ng nagsisimba,sa altar pumupunta.
Minsan pa nga,nkatapis nalang sya ng tuwalya.
Sa loob ng kumikinang na silid na porselana;
Sumasayaw ka sa saliw ng Imoral na pyesa

Matakot,manginig at mangilabot...
munting impyernong sa lupa mo nililibot.
Nangangamoy,umaalingasaw at naghuhumiyaw...
Daig ang estero sa lansang sayo nangingibabaw.

Buhat sa Hilaga patungong Timog;
Nagpupumiliit maangkin ang talang hinog
Nahulog at nalugmok sa kaawa awang pood;
Pinatay ng makasariling paniniwala at poot.


2 comments:

  1. ang husay mo...ako'y napaisip habang binabasa ko ang iyong likahang tula...Napagtanto ko na marahil ay nananalaytay sa iyong mga ugat ang dugong makata...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Isang karangalan po ang papuring ginawad ninyo sa akin.Salamat

      Delete