Monday, April 16, 2012

"Bihag"









Walang kamalay-malay,ang musmos pang isipan;
Ng lusubin ng kalabang,wala namang katwiran.
Tagaktak ang pawis sa patuloy na paglaban;
Nang malasin pa'y pati puso'y binalingan.


Tinigmak ng dugo,yaring iyong aba,
Nakiusap at nagsumamo,para lang tumigil na.
Ano't naging bingi,lahat ay nawalan ng tenga,
Sa silid ng pagdursa,ako ngayo'y nag-iisa.


Batid kong wala namang saklolong paparating,
Kaya di na rin umasang ako'y may kakamtin.
Pinaranas na dusa'y walang ngang kasing galing,
Tila kamatayan nalang ang tanging kong mahihiling.


Ilog ng luha ma'y hindi kayang tumubos,
Sa winasak na pusong nagmamahal ng lubos.
Nanghihina't nanlalamig, kapara'y kandilang nauupos;
Ng lisanin mong ganap,at sa lumbay lang iginapos.

No comments:

Post a Comment