Tuesday, July 3, 2012

Happy 49th Bday PAPA!



Happy Happy 49th Birthday!

Isinilang ang lalaking nakatakda,
Upang pasanin ang bigat ng madla,
Hindi pa man siya nakakapagsalita,
Naisulat na ang kanyang tadhana.

Nakipag-isang dibdib sa dalagang taga-Talisay;
Hindi naman gwapo,hindi rin naman macho pero may pusong dalisay,
Kaya naman itong si Inay ay agad din namang bumigay.
Kaya ang naging bunga, Isang maganda at isang tisay
(wag na umangal ako gumawa nito)

Dinaluhong ng kalbaryo,Dinumog ng mga palalo
Sinibat ng mga salitang animo  ay palaso,
Ngunit kailan ma'y hindi natinag ang aming pambato,
Kaya kahit sa kamatayan siya'y nagiisa naming panalo.

Sinubok man tayo ng tampuhan at disgusto,
Mayabang ka man at magaling manginsulto,
Malakas mag kape at manigarilyo,
Hindi ko ipakakailang ikaw ay Ama ko.

Kakaiba man ang paraan sa iyong pagwawasto,
Nakakalito,Nakakasugat at Nakakapanghina man ito,
Nagpapasalamat ako at ako'y hinubog mo sa ganito.
Kaya ngayon ako'y matatag na ring kagaya mo.

Wala ka mang handa sa araw na ito,
Sa salapi man ay salat ang buong buhay mo,
Asawa mo'y matapat ,mga Anghel mong matatalino (lahat yan maganda)
Sa palagay ko wala ka na rin namang mahihiling pa sa ganito.

Sa ika-apatnapu't siyam na kaarawan mo,
Ipinagdiriwang din ng langit ang araw na ito,
Wag kang lilimot sa Ama  na nagdala sayo sa lupaing ito,

Dahilan upang maging makabuluhan ang maraming buhay dito sa mundo.


We love you PAPA (Eliseo R. Sacdal)!!!

2 comments:

  1. isang maganda at isang tisay?
    hahaha at may kasamang pang pananakot..

    yung discount card ko wala parin..
    :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha..hindi talaga makalimutan yah..sige pag andito ka sa manila..promise!

      Delete