Tuesday, August 12, 2014

Bagong Buhay,Bagong Nanay...

Isang makatwirang paglalakbay ang aking tinahak,
Tinalikuran ang mundo ng pulutan at alak,
Panibagong simula,mas pinabagong mga balak
Kung saan hindi na redhorse kundi bata na ang hawak.


Nakamit ko ang pinakamagandang gantimpala,
Hindi ko sukat akalain, hindi ka sukat maniwala,
Walang pagsidlan ang galak ng siya'y una kong makita,
Gayun din naman ng takot ng tagurian akong isang INA


Puno ng alalahanin ang puso ko sa twina,
Paano nga ba maging isang mabuting INA?
Sa mundong wala namang perpekto talaga,
Maghangad ka ng mabuti yun ang mahalaga.

Monday, May 20, 2013

BAHAY BAHAYAN Part 2

THE WEDDING

THE BRIDE


THE GROOM


RING


THE VENUE


OUR ANGELS


OUR PARENTS


 MATCH MAKING RITUAL


FAMILIES


FRIENDS


FINALE


Kung nais mong simulan ang kwento ng pagmamahalan,halika saglit...
at muli mong balikan...

http://kairoskalista.blogspot.com/2012/10/bahay-bahayan-ito-ang-aming-kwento.html

Walang pilitan,walang pikutan,
Hindi inasahan,hindi kasubuan,
Wala sa tagal ng pinagsamahan;
Tadhana lamang ang s'yang  naglaan.


Hinimay-himay lahat ng detalye,
Magmula sa sampung pisong pamasahe,
Pinalibutan ng makinang na berde,
At saka nagsuot ng puting trahe.


Nakisaya lahat ang mga kaibigan at angkan,
Nakakatulig ang masigabong palakpakan,
Kinikilig na mga tinig ng sigawan at tilian,
"Mabuhay ang bagong kasal" ang kanilang tinuran.


Isang panibagong yugto ang aming sisimulan,
At dito na nga magtatapos ang larong bahay-bahayan,
Wala ng ang tela at mga mapagkunwaring anak-anakan,
Isang tunay na Mag-asawa na ang nasa aming tahanan.
















Friday, January 25, 2013

ORAS














Nagdaaraang malimit,mabilis at makulit,

Paikot-ikot tila walang katapusan sa pagpihit,
Gustuhin ko mang habulin at lumalayo kang pilit,
Kung hahangarin kang muli, tatakasan lang ako ng bait.

Umaalingawngaw ang sigawan,iyakan at kantahan,
Lahat ay lumipas ng ikaw ay dumaan sa harapan,
Hindi ko namalayan ang kagandahang iyong tangan,
Nagsisising hinayaan kitang nakalayo ng ganun-ganun lang.

Habol -tingin nalang ang ang aking kayang gawin,
Pagkat magsisi ma'y hindi ka na babalik sa akin,
Kaya sa susunod mong pagdating ako'y magaabang na din,
Bukas ay hindi na kita hahayaang hindi maangkin.

Tuesday, December 4, 2012

Hunyango

Pumikit,pagnagpalit ,panibagong anyo ang lalapit.
Dumikit,kumapit, dala ang bungkos ng pasakit.
Mapanlinlang na katauhan mula paa hanggang anit.
Sa talim ng titig mo,pati puso'y iyong napupunit.



Natutuwang pagmasadan ang kulay mong paiba-iba
Huwad na kasiyahan ang iyong laging bitbit at dala,
Nakahahalina  ngang talaga,lalo na sa mga TANGA
Hindi lang nila alam,batid mo na ang kahinaan nila.


Sumasabit,Nagpupumilit,ganyan sila kung kumapit.
Igigitgit,Isisingit,mga katangiang mapang akit.
Ipilit mong iwaglit, ang hunyangong nakakapit.
Upang maiwasan ang pagdurusang pwedeng sumapit





















Friday, October 5, 2012

Bahay-Bahayan... (Ito ang aming kwento)



Junver & Khaye

Ako ang ina at ikaw nga ang ama,
Sa bahay-bahayang ako lagi ang bida,
Nakakaaliw balikan ang mga araw na kay saya,
Sa ganito nga nagsimula ang aming istorya.

Magpanggap na magasawa sa bahay na yari sa tela,
Ikaw nga ang aking sandigan,tagapagtanggol at kapareha,
Kasama ang iba pa na gumaganap na anak ng bida,
Nuon pa ma'y masayang tahanan ang pinangarap nating dalawa.

Ngunit sinubok tayo ng malikot na kapalaran,
Ng kinailangan mong lumayo at mangibang bayan,
Pangakong pag-ibig na aking pinakaingatan,
Lumao'y akala ko'y ating na ngang  nakalimutan.

Iba't ibang kwento ng buhay ang ating nasaksihan,
Bawat aral sa nagdaang panahon  ang ating natutunan,
Tumibay sa hirap at pagod na ating pinagdaanan,
Lalong lumago sa ligaya at saya na dulot ng mga naranasan.

Sa paglipas ng kulang-kulang  dalawang dekada,
Hindi mo aakalaing muli pa ngang  magkikita,
Matapos subukin ng mapaglarong tadhana,
Heto at gagawa na nga ng kwentong bago na ang tema.

Naniwalang lahat lamang ay pawang mga biro,
Ng mga inosenteng bata at musmos na puso,
Hindi sukat akalain na maaring magkatotoo,
Na darating ang  araw  na magiging ikaw  at ako.


Ang pag-ibig na hinahanapan ng marangyang kandungan,
Sa piling ng bawat isa lamang namin pala matatagpuan,
Kung ano pa ang susunod sa kwentong inyong nasaksihan,
Maykapal lamang ang nakakaalam,kaya iyo na lamang subaybayan.



























Thursday, September 27, 2012

Poem for Fatih(Mr. Conqueror)



Thank you my friend ,for the time you've spent,
For the laughter and sorrow,for lending me a hand,
For the tears and joy,for the happiness we had,
You've always there for me,you've never turned bad.

Thank you my friend for accepting me,
For who I am,and who will I be,
I will do anything to let you see,
That you've got a friend in me.

Thank you my friend for sharing your points of view,
I learned a lot and got something new,
Our memories will be cherished and never be blue,
That's why I thank God for knowing you... 

Monday, September 10, 2012

Langit sa Impyerno

Ang lumang balabal ang nagsisilbing kanlungan,
Marupok...kaparis ng mga taong hayok sa kamunduhan,
Nagkukubli sa mga salang pilit na tinatakasan,
Gaano nga ba kahirap kalabanan ang tawag ng laman?

Hindi kayang pawiin ng lamig ng hangin,
Ang nagpupuyos at naglalagablab na damdamin,
Animo nahihimlay sa kumukulong buhangin,
Tampalasang mga aninong naglulunoy sa dilim.

Langit sa Imyernong mong matuturingan,
Ang makipagniig sa banig  ni kamatayan,
Sinisiil ng halik ang puso mo't katawan,
Gayong wala naman Pag-Ibig na inaasahan.


Sa piling mo'y langit ang nagiging pakiramdam,
Ngunit maliwanag pa sa umaga na imyerno ang napuntahan,
Mabuti pang wakasan na ang kwentong walang kabuluhan,
Bago pa malubog ng tuluyan sa kumunoy ng kasalanan.












Thursday, August 9, 2012

ASO



Ipinanganak ka ng may lubid sa pusod at wala sa leeg,
Nagdurugtong sa buhay,hininga at sa pag pintig,
Ang tinig  mong nakakabulahaw at nakakatulig,
Wag mong ipagkakamali ang  pagiyak sa alulong ng bibig.


Kandungan,duyan at kuna ang pahingahang inilaan,
Hindi sa  kalye,garahe at lalong hindi sa bakuran,
Masarap na kanin at ulam  ang nakahain sa pinggan,
Anot' tila tira tirang ulam ang iyong pinagtyagaan.


Ang tawag sayo ay tao at may dalang karunungan,
Nararapat lang na umasal ng naayon sa pinagmulan,
Pagkat ang aso'y tawagin mang matalino at damitan,
Ay mananatiling "Asal Hayop" magpakailanman.

Wednesday, July 25, 2012

Insomnia attacks



I never knew I will feel  this way 
Not with a stranger that looks like gay
His sweetest smile that brightens my day
Makes me feel weak and captured me like prey


Sailing from Bay of Bengal to South China Sea
Is the greatest journey for you and me;
With different culture,religion and cup of tea,
Being comfortable with each other is our only key.


Seeing you every time makes me really mad,
Don't worry your kisses are not awful,so don't be sad.
This someone who often tells that he is bad,
Is the same man who always makes me glad.