Mapalupa ,dagat at himpapawid,
Maging ang sulok na di kayang matawid,
Ay may mga karanasang nais kong mabatid.
Nakapagtapisaw na ako sa alon ng dagat,
Nakipagkilitian sa rin sa pugitang sarat,
Nakarating na rin ako sa kahariang maalat,
At nakipaglaro sa mga sirenang matapat.
Nagpagulong gulong na rin ako sa kabukiran,
Minsan ko na ring pinasok ang mga bulkan,
Tumalon,gumulong humalakhak sa kaparangan,
Magtago at mangulit sa masukal na kagubatan.
Nakipagsayaw na rin ako sa mga planeta,
Nagniningning sa liwanag ng bituin ang aking mga mata,
At sa kanlungan ng buwan ako'y nagpahinga,
kay tagal ko ng naghihintay sa darating na umaga ...
Ako nga ay isang manlalakbay,
Misteryoso ngang tunay,
Sa karanasan ko'y walang nagpupugay,
Pagkat ako raw ay bata ...at wala ng buhay.
070909