Showing posts with label Redhorse. Show all posts
Showing posts with label Redhorse. Show all posts

Monday, September 10, 2012

Langit sa Impyerno

Ang lumang balabal ang nagsisilbing kanlungan,
Marupok...kaparis ng mga taong hayok sa kamunduhan,
Nagkukubli sa mga salang pilit na tinatakasan,
Gaano nga ba kahirap kalabanan ang tawag ng laman?

Hindi kayang pawiin ng lamig ng hangin,
Ang nagpupuyos at naglalagablab na damdamin,
Animo nahihimlay sa kumukulong buhangin,
Tampalasang mga aninong naglulunoy sa dilim.

Langit sa Imyernong mong matuturingan,
Ang makipagniig sa banig  ni kamatayan,
Sinisiil ng halik ang puso mo't katawan,
Gayong wala naman Pag-Ibig na inaasahan.


Sa piling mo'y langit ang nagiging pakiramdam,
Ngunit maliwanag pa sa umaga na imyerno ang napuntahan,
Mabuti pang wakasan na ang kwentong walang kabuluhan,
Bago pa malubog ng tuluyan sa kumunoy ng kasalanan.












Wednesday, July 25, 2012

Insomnia attacks



I never knew I will feel  this way 
Not with a stranger that looks like gay
His sweetest smile that brightens my day
Makes me feel weak and captured me like prey


Sailing from Bay of Bengal to South China Sea
Is the greatest journey for you and me;
With different culture,religion and cup of tea,
Being comfortable with each other is our only key.


Seeing you every time makes me really mad,
Don't worry your kisses are not awful,so don't be sad.
This someone who often tells that he is bad,
Is the same man who always makes me glad.














Friday, April 20, 2012

Tibok ng Unang Sulyap



May nais lamang akong inyong malaman,
Mula Norte pa-Timog ay ipagsisigawan;
Itong nadaramang,hindi ko malaman,
Baka sakaling ako'y inyong matulungan.

Di ko maapuhap ang kapanatagan,
Sa ilang gabing laman ka ng isipan,
Mula ng araw na ika'y matitigan;
Puyatin ako'y isa ng kalabisan.


Sa balintataw mata nya'y naaninagan,
Mga labi nyang nais ko sanang mahagkan,
Huling-huli nya ang aking kahinaan;
"Langyang puso to!",biglang yatang tinamaan.


Sana'y muling magkrus  ang ating daanan,
Sa tamang panahon ng pagmamamhalan;
Ibigin lang ako ng buong katapatan,
Pangakong hinding-hindi kita iiwanan.

Monday, April 16, 2012

"Rendezvous"

Mahirap hagilapin,lalo na kung madilim,
Bangis at tapang mo'y kayang kaya rin lusawin.
Mawawalang silbi,matatalas mong patalim,
Sa kinang at halaga,mata mo'y bubulagin.


Lipi ng lahi mo ay nagnanais ding umangkin,
Ngunit sa ilap,mapapalad lang ang tatawagin.
May makakasumpong sa tabi ng mababaw na balon,
Ang iba naman,pati buhay ay handa ng itapon.

Mabining ilaw mula sa munting lampara,
Ang siya mong pinaghuhugutan ng isang milyang pag asa.
Wala mang kasiguraduhan,ngunit patuloy na umaasa,
Mataimtim na dalangin,ang  nagsisislbi mong sandata.

Matuwid na daa'y iyo ngang nailiko,
Nawalang saysay isang milyong panuto.
Bihasang pilosopo ma'y dumanas din ng pag kalito,
Sa minahang walang halaga maging ang ginto,

Kundi ang damdaming umaasam ng katagpo.