Showing posts with label Tanggera. Show all posts
Showing posts with label Tanggera. Show all posts

Tuesday, May 8, 2012

For your eyes Only...

Wala sana akong balak na ipakita kung sino ako ,pero naisip ko maraming tao akong nakakasalamuha na ayaw na itsura ko.

Panu naman yung di pa nakakakita sakin,malay ko kung magustuhan naman nila itsura ko di ba?

Hindi ko alam kung masususya ka o matatawa o kung ano pa mang emosyon ang mararamdaman mo pag nakita mo ko ngayon,bahala ka ng humusga sa fez ko...
basta ang alam ko....

 I'm Beautiful in my way ,'coz God makes no mistakes!!! 





Thursday, April 26, 2012

S E X




Liberal na mundo ang aking kinamulatan,
Iba't Ibang katauhan ang akin na ngang nalaman,
Ikaw na ang humusga kung Ito' isang kabulaanan;
Ako nga ay may higit sa isang kasarian.


Musmos na isipan ang naging dahilan,
Kung bakit isang babae ang aking niligawan,
Isang binibining tindera ng lugaw sa bayan;
Patunay na minsa'y naging "Lesbian" ang aking ngalan.


Naging siga maging sa paaralan at tambayan,
Hindi naman nasangkot sa anumang kaguluhan,
Walang inuurungang inuman,pati "beerhouse" pinatulan,
"Lalaking walang lawit",ganyan nila ko kung bansagan.


Infairnez,Infairview,nakakalurkey itong chikahan,
Havey na havey sa mga bayot itong ating chorvahan,
Keber lang sa mga chenelyn,wit naman ako magka andalush jen,
Ef na Ef naman ng radar kong nagetching mo naman.


Nang isang umagang aking nakagisnan,
Basa ang unan ng dalagang luhaan,
Durog ang pusong binasag ng kabiguan,
Lintik na tanggera,lalaki pala ang kahinaan.


Meaning:
wit-hindi
Havey-okay
Keber-walang pakialam
Ef-Feel
Sex-Kasarian

Tuesday, April 24, 2012

Heypi BEERday!


Isinilang ako sa matapang na buwan ni Agosto,
Sinasakop kasama ang araw at signos ng Virgo,
Mabait,mapangunawa,mapanuri at agresibo,
Matapat,mapagbigay,mapuna at talentado.

Isang libo't siyam na raan at walongpu't walo,
Aking edad at kaarawan ngayon'y tukuyin mo,
Kung nais mong sa pagdiriwang ay makadalo;
H'wag kang mag aasam ng engradeng salo-salo.

Karaniwang handa ay pawang mga regalo,
Alak at pulutan,ang akin lamang ay baso,
Kung sinuswerte ka at nataon namang sweldo;
Magagalak ang mga dayong hindi naman lasenggo.

Hindi ko kailangan ng bisitang may trabaho,
Sapat na sakin ang taong tapat at totoo,
Hwag kang magalala kung ikaw ay sintunado;
Siguradong sa tagay ko,makukuha mo rin ang tono.

Monday, April 23, 2012

Ambisyon...

Ako nga ay guro sa aking propesyon,
Nagtapos nang may karangalan sa kursong hindi ko intensyon,
Masisisi mo ba ako sa aking  naging desisyon?
Kung pinagpalit ko ang aking nais para sa isang obligasyon.


Isang araw bago sumapit ang aking "graduation",
Sumubok humanap ng una kong "occupation",
Biyernes ng Abril nakapagtapos "with recognition",
Kina-lunesan ko'y kontratang pirmado,na may "job description".


Hindi ko pa man maasikaso ang "Licensure  Examination",
Dahil na rin sa oras,pera at napiling sitwasyon,
Punahin at laitin,ano man ang inyong opinion,
Magsilbi sa aking pamilya ang tangi kong ambisyon...

Sunday, April 22, 2012

Pinagmulan...

Kung ninanais mong ako'y lubusang makilala,
Subaybayan ang kategoryang may pamagat na "Tanggera",
Sadyang nilikha para inyong makita,
Kung sino ba talaga si Makatang Lasenggera.
__________________________________________________


Batang lumaki sa piling ng lolo't lola,
Nagsilbing manika sa mga tito at tita,
Habang nagtatrabaho sa malayo ang  ina,
At amang madalas na punong abala.


Walang kalaro na dinatnan sa probinsya,
Ang seƱoritang kasama lamang ay yaya,
Lumaki sa piling ng mga matatandang sinauna,
Kaya bihasa sa pag tayo ng mag-isa.


Naging madamot man sa akin ang tadhana,
Nang ipagkait ang mundong para sa mga bata,
Lubos na biyaya naman ang aking tinamasa,
Sa mga magulang na mapag mahal at mapang unawa.


Walong taon din akong nag isa,
Hanggang dumating ang magandang umaga,
Isinilang na nga ang ikalawang prinsesa,
Sa palasyong sawali ng aking ama't ina.


Kagaya rin ng ibang pamilya,
Sinubok din kami ng iba't ibang problema,
Tinakasan man ng buhay na masagana,
Nanatili kaming masaya at sama-sama.


Tagpi-tagpi man ang kisame sa sala,
At ang hapag ay bihirang managana,
Hindi nakakapagtakang kainggitan kami ng iba;
Ang pamilya kong salat man sa rangya at pera..

                     Parati namang malusog at maligaya.

Friday, April 20, 2012

Talentadong Tanggera


Ang sabi ng ilan,talentado raw ako,
Sagot ko lagi,"Hindi naman po masyado"
Walang dahilan ,para lumaki ang ulo,
Sa biyayang-langit na tinatamasa ko.


Sumayaw,kumanta,magluto't maglaba,
Sumulat,Gumuhit,mamalengke't magtinda,
Tumula,rumampa,magwalis at magplantsa,
Mangaral,magturo,magtahi at iba pa.


Yan ba ang talentong sinasabi nila?
Pero bakit kaya ako pari'y nagtataka,
Lahat naman ng ya'y pangkaraniwan na di ba?
Ikaw lang kasi...meron na,tinatago mo pa.


May nagsasabing ako raw ay matalino,
Nakatapos ng kolehiyo kahit na minsa'y tanggero,
Sagot ko naman,"binobola mo pa ko!"
"Halika na rito,tatagay na tayo!"