Showing posts with label Shot Glass. Show all posts
Showing posts with label Shot Glass. Show all posts
Thursday, April 19, 2012
Lagim Sa Damuhan
Ako po ay baguhan sa ganitong larangan,
Bagama't di bayani ng ating kasaysayan;
Pagdating sa panitikan ako ay lalaban,
Sa kagawaran,ito po ay inyong pakinggan.
Pasintabi lamang po sa mga kabataan,
Dala ko ay kwentong sadyang may kaselanan;
Larawan ito ng musmos sa kamunduhan,
Na di mo makikita sa silid-aklatan.
Isang dapit hapon doon sa may damuhan,
Nakita ko si Loi,kasama pa nga si Ran,
Pangiti-ngiti sa ginawang kasalanan,
Mga kulisap ang saksing walang nalalaman.
Maligno ma'y kaya nilang ipinagtabuyan,
Wari mo'y galunggong sa lansa't kabahuan,
Saranggola ngang hawak na di mabitiwan,
Kasamang nagparaos sa langit-langitan.
Hinuha mo ba'y kalaswaan ang usapan?
Teka-teka lang...mali ka d'yan kaibigan,
Ito ay kwentong hango sa batang karanasan,
Nang magkaibigang nasiraan lang ng t'yan.
Lahok para sa "Bagsik ng Panitikan" contest ng Damuhan
Tuesday, April 17, 2012
Kasi nga Pinoy...
Sa mundong makabagong si "Boy Pick -Up" ang sikat,
Tanging "Eat Bulaga" nalang ang walang pang katapat.
"Magnum" na mamahalin at hindi pwedeng mabarat,
Ang laging tema ng usapan ng mga taong sa buhay ay salat.
Pati sisiw na robot(simsimi),ay di na nga pinalagpas,
Kasi naman sa lahat ng tanong ay hindi umiiwas.
Dinaig pa ang hustiya na mayroon ang Pinas,
Hindi namimili,kung sumagot ay "Wagas!".
Hindi sa banat ni Vice mo makikita,
Ang sandatang kailangan mo sa twina;
Wala sa dialogue ni Sarah G.,Shaina o ni Bea,
Ang sagot sa problema ng bansang nagdurusa.
Kumilos ka para sa pagbabago,
Upang lahat ng may sala ay makalaboso;
Perlas ng Silangan,ang magsisilbi mong tribo,
Ipaglaban ang karapatan ng mamamayang Pilipino.

Pitik...Bulag!
Ito ay ligayang hindi para sa lima,
Hindi para sa sampu,lalo na sa iisa.
Maging anim,apat,tatlo ay hindi rin uubra,
Pagkat ekslusibong para lang sa dalawa.
Ngunit sadyang ikaw nga'y magtataka,
Sa pagitan ng dalawa,ay may dayaan pa.
Pumikit ng mariin at siguradong talo ka,
Sa mandarayang pumitik,lalo't di mo nakikita.
Sa larangang ito,ang matalo ay "Tanga!",
Seryoso at matuwid,ang ang naguuwi ng kalabasa.
Kaparis ng pag-ibig mo,libangan lang pala;
Hindi ko man lang nahulaan,bago pa mag umpisa...

Monday, April 16, 2012
"Mendax"

Humahabi ang makinang may ngipin,
Nababasa ng likidong asido kung tawagin.
Humuhulas ang pinturang pulang isinalin,
Nagbababaga't lumiliyab ngunit di kayang pigilin.
Lumiko't umikot...supot-supot ang hinakot;
Dala ang patalim ng sigalot at takot.
Sumuko't lumusot...daan-daan ang isinangkot;
Dala ang pananggalang ng inggit at poot.
Kagalakan ang bitbit ng bayong ng salimuot;
Pinagtagumpayang kwentong kakila-kilabot.
Kamatayan ang papuring sayo'y ibinalot;
Ng haring kung ituring ay palalo at salot.
Subscribe to:
Posts (Atom)