Wednesday, July 25, 2012

Insomnia attacks



I never knew I will feel  this way 
Not with a stranger that looks like gay
His sweetest smile that brightens my day
Makes me feel weak and captured me like prey


Sailing from Bay of Bengal to South China Sea
Is the greatest journey for you and me;
With different culture,religion and cup of tea,
Being comfortable with each other is our only key.


Seeing you every time makes me really mad,
Don't worry your kisses are not awful,so don't be sad.
This someone who often tells that he is bad,
Is the same man who always makes me glad.














Tuesday, July 24, 2012

TAG-L _ _ _ _G



Hindi ko alam kung tama ba to ng  nainom ko o tama ng putok ng nakatabi ko sa bus kanina.Dahil wala naman akong computer sa bahay,minabuti kong isulat muna,baka kasi makalimutan ko pag gising ko(at ngayon ipopost ko sya kasi libre net ako dito sa office hehehe)

atat na kasi tong utak ko na magkwento bago man lang daw sya matuyo dahil sa mga alak na iniinom ko..hehehe...Pagbigyan natin...Simulan na!

Himasin ng dahandahan...
Haplus-haplusin mo....
Pigain mong mabuti..
Hanggang sa labasan....
ayaaaannn naaaa....Ahhh.. Ahhh...
Ganyan ang tamang pag lambing sa ulo..para mailabas ng utak mo ang mga detalye ng puso mo..



Letse ka ha! dumi ng utak mo....



Marami akong nakitang naglalabing labing kanina sa bar...este naglalambingan.

...subuan ng fries...
...akbayan dito,akbayan doon...
...holding hands...holding hita...
....kakantahan sa stage...
...Bulong bulungan...
...harut harutan...
...kiss kiss-an...
...kiskisan ng kiskisan...
....Mot mot na naman...hahaha

Ang sakit nila sa pimples..Infairneszzz!!!

Naging bitter ako gawa na rin ng brandy sa aking baso...sabi ko nalang...

"Maghihiway din kayo..."bwaahahahahaha (evil laugh!)

Yan ang iniisip ko hanggang sa magbaba ng pasahero ang bus na sinaksakyan ko...
Natauhan nalang ako ng masilaw ako ng pulang ilaw sa harap ko dahil nasa gawing bintana ako kaya bumalandra sa mukha ko ang malaking "SOGO".

Guadalupe na pala...At dahil sa bitter pa rin  ako...nakarma ako agad...buhakaw si manong driver kahit madaling araw na,ayaw kong matulog kasi baka lumampas ako..sarap pa naman matulog sa aircon pag nakainom..ayyiiiee......

At ang makasalanan kong mga mata ...ayan at nagmasid namang talaga...

Nakita ko si ateng nakasibangot at si kuya may bitbit na supot ng seven eleven..may 1.5 L na absolute distilled water...may siopao at tobleron..(matalinaw)
akala ko nagbebenta...panalo sa sales talk si kuya...mukang kinukumbinseng maigi si ate na nakasibangot pero halatang napapangiti ..kumbaga ba eh pakipot lang..sa madaling salita...
Mahinhin kuno.. MAhihin--***n


tapos may dumarating magkahawak kamay bago pumasok..mukang magkasundong magkasundo...may hawak pang rose si sisterette..batang bata...mga bata pa nga actually...sa palagay ko monthssary...aruguy!...sa mabulaklak na salita at sa rose...
matitinik  na si babe...hala ka ...lagot ka...nakakabiyak na tinik yan gaga!

Iiyak ka din sa isip isip ko...

May masyodang may makapal na gintong kadena sa leeg..maayos naman ang pananamit...kasama  ang girlash na naka pek-pek short...No need to explain--Alam mo na yan...mahirap buhay ngayon dhay!

May masaya naman at tipon g parehong may trabaho...mukahang kabisadong kabisado ng mga paa ang ENTRANCE...sa hinuha ko..suki na ang mga ito...napagtanto ko..may hawak si boylet na red card--(DISCOUNT CARD) syempre...

May  napansin din  akong lalaki..papaunahin si girl sa loob..tapos mag yosi saglit bago pumasok...tapos parang di lang muna magkakilala..naghihintayan lang pala sa loob...hahaha... Mga nakikijowa lang ang mga pota.

At marami pang iba...sa sandaling oras na nakahinto ang bus na sinasakyan ko..ganun din karami ang nasaksihan ko...ang tanong mo..ganun  ba talaga karami ang tao sa mundo??

ah ah ah...ganun na karami ang makakati sa panahon ng tag ulan..buset!

Pero sa isang banda mabuti na rin yan...sobrang init dapat malamigan..kesa sa bahay..baka makasunog pa yan..makadamay pa ng buhay.

Tsk...tsk...tsk...makauwi na sana ng mabilis at ng makapag painit din...


panahon nga naman..nakakadala....Pero ang alam ko ang tawag sa panahon ngayon ay TAG -LAMIG--parang nami-mis understood ng madla...so nagiging TAG-LIBOG na..hahaha..

Peke!


May dala akong  3-in-1 great taste coffee +milo+creamer+mainit na tubig=sarap ng single...hahaha..matipid sa panahon ng tag kati---este TAG LAMIG











Wednesday, July 18, 2012

Ilog Pasig



Humahalik sa lupa ang bibig,nagdurumi at nauuhaw sa tubig,
Nagnanasang ihiyaw ang ibig,ng marali't masakit na tinig;
Lumilikha ng di naaayong pantig ,sumasambulat ang tonong nakakatulig
Lirikong akala mo'y pakabig,ay marapat  na itapon na lamang sa ilog Pasig.


Sa ilog ng pusong maralita,nagtatago ang mabalasik na diwa,
Bukambibig sa kakisigan ng malaong manggagawa,
Anong silbi ng mga kwentong hindi maunawaan ng kapwa,
Patuloy na magsusumiksik ang pagkataong hindi makawala.


Sumasakal at kumikitil sa hininga mo'y lumot,
Duming itinapon at ikinakalat ay nagsisilbing salot,
Sa buhay  mong nagngangalit sa pait at poot,
Hindi maapuhap ang gandang sa iyo'y  bumabalot.











Monday, July 16, 2012

Ang Manlalakbay




Isa raw akong manlalakbay,
Mapalupa ,dagat at himpapawid,
Maging ang sulok na di kayang matawid,
Ay may mga karanasang nais kong mabatid.

Nakapagtapisaw na ako sa alon ng dagat,
Nakipagkilitian sa rin sa pugitang sarat,
Nakarating na rin ako sa kahariang maalat,
At nakipaglaro sa mga sirenang matapat.


Nagpagulong gulong na rin ako sa kabukiran,
Minsan ko na ring pinasok ang mga bulkan,
Tumalon,gumulong humalakhak sa kaparangan,
Magtago at mangulit sa masukal na kagubatan.

Nakipagsayaw na rin ako sa mga planeta,
Nagniningning sa liwanag ng bituin ang aking mga mata,
At sa kanlungan ng buwan ako'y nagpahinga,
kay tagal ko ng naghihintay sa darating na umaga ...

Ako nga ay isang manlalakbay,
Misteryoso ngang tunay,
Sa karanasan ko'y walang nagpupugay,
Pagkat ako raw ay bata ...at wala ng buhay.
070909





Tuesday, July 3, 2012

Happy 49th Bday PAPA!



Happy Happy 49th Birthday!

Isinilang ang lalaking nakatakda,
Upang pasanin ang bigat ng madla,
Hindi pa man siya nakakapagsalita,
Naisulat na ang kanyang tadhana.

Nakipag-isang dibdib sa dalagang taga-Talisay;
Hindi naman gwapo,hindi rin naman macho pero may pusong dalisay,
Kaya naman itong si Inay ay agad din namang bumigay.
Kaya ang naging bunga, Isang maganda at isang tisay
(wag na umangal ako gumawa nito)

Dinaluhong ng kalbaryo,Dinumog ng mga palalo
Sinibat ng mga salitang animo  ay palaso,
Ngunit kailan ma'y hindi natinag ang aming pambato,
Kaya kahit sa kamatayan siya'y nagiisa naming panalo.

Sinubok man tayo ng tampuhan at disgusto,
Mayabang ka man at magaling manginsulto,
Malakas mag kape at manigarilyo,
Hindi ko ipakakailang ikaw ay Ama ko.

Kakaiba man ang paraan sa iyong pagwawasto,
Nakakalito,Nakakasugat at Nakakapanghina man ito,
Nagpapasalamat ako at ako'y hinubog mo sa ganito.
Kaya ngayon ako'y matatag na ring kagaya mo.

Wala ka mang handa sa araw na ito,
Sa salapi man ay salat ang buong buhay mo,
Asawa mo'y matapat ,mga Anghel mong matatalino (lahat yan maganda)
Sa palagay ko wala ka na rin namang mahihiling pa sa ganito.

Sa ika-apatnapu't siyam na kaarawan mo,
Ipinagdiriwang din ng langit ang araw na ito,
Wag kang lilimot sa Ama  na nagdala sayo sa lupaing ito,

Dahilan upang maging makabuluhan ang maraming buhay dito sa mundo.


We love you PAPA (Eliseo R. Sacdal)!!!