Ipinanganak ka ng may lubid sa pusod at wala sa leeg,
Ang tinig mong nakakabulahaw at nakakatulig,
Wag mong ipagkakamali ang pagiyak sa alulong ng bibig.
Kandungan,duyan at kuna ang pahingahang inilaan,
Hindi sa kalye,garahe at lalong hindi sa bakuran,
Masarap na kanin at ulam ang nakahain sa pinggan,
Anot' tila tira tirang ulam ang iyong pinagtyagaan.
Ang tawag sayo ay tao at may dalang karunungan,
Nararapat lang na umasal ng naayon sa pinagmulan,
Pagkat ang aso'y tawagin mang matalino at damitan,
Ay mananatiling "Asal Hayop" magpakailanman.